Advertisers

Advertisers

‘Di raw talaga hiwalay… Gerald atat nang magkaanak kay Julia

0 27

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

MARIING itinanggi ng Kapamilya aktor na si Gerald Anderson ang isyung hiwalay na sila ni Julia Barretto.

Ayon kay Gerald ay walang katotohanan daw ang pinag uusapang balita tungkol sa kanila ni Julia, huh!

Pero sa totoo lang, may iilan pa ring duda sa naging sagot ni Gerald sa estado ng relasyon nila ni Julia, huh! Ayon sa nakausap naming malapit sa aktor, kahit itinanggi raw ni Gerald na hiwalay na sila at nabanggit na gusto na niyang magkaanak sa aktres ay duda pa rin daw ang kausap namin sa naging pahayag ng aktor, huh!

May mga hindi pa rin daw malinaw sa kanila na dapat ipaliwanag pa ni Gerald, huh!

Wala pa rin daw saysay ang mga sinabi ni Gerald at kahit sinagot na nga ng actor tungkol sa pinag-uusapang diumano’y hiwalayan nila ni Julia, huh!

Sa isang interview ni Toni Gonzaga sa kanyang vlog ay sinabi ni Gerald…
“We’re okay. Kanina, hinatid ko siya sa airport, pupunta sila sa Dubai,” sagot pa ni Gerald sa tanong ni Toni hinggil sa isyung hiwalayan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Marami rin namang makapagpapatunay na inihatid ni Gerald si Julia sa airport kung saan may dinaluhang event sa Dubai kamakailan ang aktres, huh!

Dagdag paliwanag pa rin ni Gerald na hindi raw naman dapat basehan ang sinasabing
isyung nag-delete sila ng photos sa Instagram, huh!
Pero sa totoo lang,
all-praises daw si Gerald sa karelasyon dahil manang-mana raw ito sa inang si Marjorie Barretto na very motherly, huh!

“Si Julia is very mapagmahal, very motherly, manang-mana siya kay tita Marj, super!” saad pa ni Gerald

“‘Yung value na meron siya, ‘yung love na binibigay niya, ‘yung support na binibigay niya, it inspires me to you know, just be better and give her ‘yung 100% ko, always ‘yung best version ko,” papuri pa ni Gerald sa limang taon na nga niyang karelasyon.

Aminado pa si Gerald na dadaanan pa raw nila ang maraming pagsubok at mga dinaanang lubak na nagpatibay sa kanilang relasyon:
“Maraming bumps in a road but sometimes, I think, blessing din ‘yun kasi parang it made us even parang stronger. When you go through something like that and you see ‘yung partner mo is emotionally strong and supporting you, parang you know na it was worth it,” sey pa ni Gerald.

Dagdag banggit pa ni Gerald na nakitaan pa nga raw niyang mas matured mag isip si Julia kaysa kanya, huh!

Kasabay na rin nito ay inamin ni Gerald na gusto na raw niyang magkaroon ng anak na naging usap-usapan na nagkaroon nga diumano sila ng disagreement ni Julia hinggil dito, huh!