Advertisers

Advertisers

“Magkaisa bilang isang bansa, magbayanihan at ipadama malasakit sa kapwa at bayan” – Mayor Honey

0 36

Advertisers

“Magkaisa bilang isang bansa, patuloy na magbayanihan at ipadama ang pagmamalasakit sa kapwa at sa bayan.”

Ito ang panawagan ni Manila Mayor Honey Lacuna matapos na pangunahan nila ni Vice Mayor Yul Servo ang paggunita sa ika-454 taong anibersaryo ng Battle of Bangkusay sa Moriones, Tondo, Manila. Ang nasabing pagtitipon ay bilang pagbibigay karangalan sa 300 Filipinong mandirigma na nagbuwis ng buhay sa pagtatanggol sa Bangkusay laban sa mga pwersang Kastila.

Sa pagtitipon na ginanap noong June 3, si Lacuna ay sinamahan nina Carminda Arevalo ng Pambansang Konisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, Nerissa Roxas-Lomeda ng Division of City Schools-Manila, Director Robert Tantingco ng Holy Angel University – Center for Kapampangan Studies at mga Punong Barangay na sina Lea Chua at Emilou Walo ng Barangays 6 at 64 ng Tondo 1, na nag-alay din ng mga bulaklak bilang ala-ala sa makasaysayang sagupaan.

“Narito tayo sa lugar na mayaman sakasaysayan, kultura at diwa ng pagkakaisa, dito sa Plaza Moriones sa distrito ng Tondo, kung saan ang mga mamamayan ay hindi lamang masipag at matiyaga, kundi may likas na galing at talino. Makasaysayan ang muling paggunita sa Labanan sa Bangkusay dito sa Tondo dahil isa itong tagpo nasumasalamin sa katapangan at
diwang makabayan ng ating mga ninuno. Ang mahalagang pangyayaring ito ay buong galak nating binibigyang-pugay bilang isang marapat na panimula sa ating buong buwan na pagdiriwang ng Araw ng Maynila,” sabi ni Lacuna.

Ang seremonya na gumugunita sa makasaysayang sagupaan, ayon kay Lacuna ay patunay ng kabayanihan, kagitingan at katapangan ng ating mga ninunong Filipinong mandirigma na hinarap ang mga dayuhang mananakop sa Battle of Bangkusay noong June 3, 1571, at dahil dito ay di na ito malilimutan.

“Ang Labanan sa Bangkusay, na naganap noong Hunyo 3, 1571, ay hindi lamang isang bahagi ng kasaysayankundi isang patunay ng ating pagkakakilanlan bilangisang bayan at lungsod na may matibay napaninindigan. Isa ito sa mga nararapat nating linguninat magsilbing inspirasyon sa pagkakaisa nating mga Pilipino sa pagtindig upang ipagtanggol ang ating soberenya,” giit ng alkalde.

Ayon pa kay Lacuna, ang kasaysayan ay hindi lang basta ala-ala ito ay dapat na ituring bilang gabay at idinagdag din na ang mga hamon sa hinarap ng ating mga ninunong mandirigma sa Bangkusay ay ‘di dapat ba matapos lang sa digmaan kundi dapat itong magpatuloy bilang papel na gagampanan natin sa araw-araw.

“Sa dumaramingsuliranin ng urbanisasyon, sa paglaban sa kahirapan, sapangangalaga sa ating kultura at sa pagtataguyod ng isang mas maunlad at progresibong Maynila, ang diwa ng Bangkusay ay dapat manatili sa atin, Maliban sa maringal na paggunita, malaking hamon sa bawat isa sa atin ang pagsasadiwa at pagsasabuhay samga mahahalagang aral na iniwan sa atin ng nakaraan,” dagdag pa ni Lacuna.

Matatandaan na noong June 3, 157, 50 taon matapos na talunin ng mga mandirigma sa Mactan ang dayuhang pwersa na mga Kastila na dumaong sa baybayin ng Mactan. Ang mga pamayanan sa Manila Bay region ay kumilos din at itinaboy ang mga dayuhang mananakop na kadadaong lang din.

May 2,000 mandirigma mula sa hilagang bahagi ng Manila Bay (present day Macabebe, Pampanga and Hagonoy, Bulacan), at hinarap nila ang mga pwersanv Kastila sa bunganga ng Bangkusay River sa Tondo at sa sagupaang ito, 300 mandirigamang Filupinon kabilang ang kanilang commander mula sa Macabebe. (ANDI GARCIA)