Advertisers
TIMBOG ang 52-anyos na mister nang pasakan nito ng bote ang ari ng buntis na misis sa Cainta, Rizal.
Batay sa ulat ng Cainta PNP, kinilala ang suspek na si alyas “Allan”, 52-anyos foreman ng Brgy. San Juan Cainta.
Base sa ulat, brutal umanong inabuso ng suspek ang kanyang buntis na misis noong Disyembre 31, 2008.
Sa report, 2:10 ng hapon noong Miyerkules, Hunyo 5, 2025, naaresto si Alyas Allan sa Brgy. Sto. Domingo ng mga tauhan ng Cainta Municipal Police Station sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Qualified Object Rape, isang krimeng may kaakibat na piyansang P200,000.00.
Nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Cainta PNP, habang inabisuhan na ng mga pulis ang korte na nagpalabas ng warrant ukol sa matagumpay na operasyon.
Patuloy ang panawagan ng Rizal PNP sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang tuluyang matuldukan ang ganitong klase ng karahasan sa kababaihan at mapanatili ang katahimikan sa komunidad. (Edwin Moreno)