Advertisers

Advertisers

MICHELLE WALANG ALAM SA HIWALAYANG MARCO AT CRISTINE

0 35

Advertisers

Ni Beth Gelena

PAGKATAPOS na magbigay ng opinyon ang kapatid ni Cristine Reyes na si Ara Mina hinggil sa hiwalayan nila ni Marco Gumabao, heto at si Michele Gumabao, sister ng actor ang nagsalita sa gitna ng umano’y hiwalayan ng celebrity couple.

Nagreak ang volleyball star player ng Creamline Cool Smashers na si Michele sa rumored breakup rg kanyang brother na si Marco at aktres na si Cristine.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, guest si Michele at nabanggit niyang wala pa siyang binibigay na advice regarding sa hiwalayan umano ng kapatid at ni Cristine.

Aniya, “No Tito Boy, not at all. And I don’t actually know where they are now in their relationship.”

“I just know that nakausap ko pa rin siya last week, and I got to see her din, especially when her dad passed away. So, she has a good relationship with our family. So, at least whatever is happening between them, hindi naman na-affect ‘yung mga tao sa paligid like us.”

Natanong kasi siya ng King of Talk, “When asked for confirmation whether the couple is no longer together, “I haven’t seen him, so I haven’t asked him.”

Hindi rin kasi aware si Michelle sa real score ng kanyang kapatid at ng aktres.

“But I don’t know if they get to talk again now. So siguro something to ask him when I see him.”

Kamakailan lang ay ikinasal na si Michelle sa businessman na si Aldo Panlilio

The lovely couple exchanged wedding vows in a Catholic ceremony at the National Shrine of the Sacred Heart in Makati.

Later, muling nagpakasal ang dalawang personalidad sa isang garden na ginanap sa Baguio.

***

JULIA NAGPANIK NANG MAGPARAMDAM NG LIGAW SI COCO

IKINUWENTO ni Julia Montes kung paano siya niligawan noon ni Coco Martin.

Guest si Julia Montes sa.YouTube Channel ni Karen Davila.

Aniya, nagpanik siya nang maramdaman niyang interesado si Coco sa kanya.

Una nga raw ay nahurt ang actor nang makita ang initial reactions ni Julia dahil lagi raw niya itong binabara.

Na-develop na lang daw ang kanilang relasyon nang maging magkatrabaho na sila sa isa pang project.

Pagkaka-describe pa ni Julia kay Coco ay sobrang lambing ang actor at maalalahanin. Lagi raw siyang sinosorpresa nito lalo na at tungkol sa mga pet dogs dahil marami rin siyang mga alagang aso.

Paano nga ba siyang niligawan ni Coco? “Hindi agad-agad. Nung nililigawan niya ako, nagpa-panic ako. So lagi ko siyang bina-bluff hanggang sa na-hurt ko siya.”

Pagbabahagi pa ni Julia, “Nung nag-meet kami ulit, nag-work kami ulit, dun na na-develop ulit.”

Aniya pa, super sweet at thoughtful partner si Coco.

Noon kahit magkarelasyon na ang dalawa ay napanatili nilang maging pribado ang kanilang relasyon.

Kapag tinatanong sila ng press people, tahimik lang sila, though may mga nakakakita na rin silang laging magkasama.

But then, still no confirmation mula sa kanila.

Mahigit isang dekada rin nilang naitago ang tunay nilang relasyon.

May 2023, nang madulas ang dila ni Coco na they are indeed a couple after years of avoiding the topic sa isang interbyu.

Natuwa naman ang entertaInment press dahil hindi naman niretract ni Coco ang kanyang sinabi.

Bagkus, nagpaliwanag siya kung bakit hindi sila umaamin sa kanilang relasyon.

Para sa aktor, naiintindihan na rin naman ng netizens na may something na sa kanila ni Julia, hindi man daw siya magsalita.

Actions speaks louder than words, ika nga.

At hindi rin naman daw sikereto ang kanilang relasyon kundi pribado lang daw ang kanilang buhay.

***

UNINVITED NUMBER 1 SA NETFLIX

PALABAS na ang Uninvited sa Netflix at ito ang number one movie sa streaming platform.

Kahapon lang ipinalabas ang nasabing movie na pinagbibidahan ni elected Batangas Governor Vilma Santos- Recto na.kung tawagin ng lahat ay At Vi or Star For All Seasons.

Ang Uninvited ay entry sa nakaraang Metro Manila Film Festival last December.

Unfortunately, wala isa man sa award category na nakuha sa pelikula.

Napakaganda ng story, pero kung kikilatising mabuti ang movie lalo na ang acting ng mga lead actors, mga bago lahat ang atake nila sa movie.

Like, Aga Muhlach at Nadine Lustre.

Komento nga ng netizens na nakapanood sa Netflix, “Shutaaaaa ka nadine napakahot mo sa movie na yan ?? slayyyyy”

“Ibang Aga Muhlach ang role niya, nakakainis.. manyakis siya.”

“This is 2nd Time Watchinf @ NETFLIX at Home at early 2 wee wee am!! HAPPY SMILEY!!!

“Done watching. Lahat ng actors and actresses magaling pero bakit naman lahat ng dialogue may mura.”

“The more I applaud Vilma! She is truly a Star of All Seasons not to mention she’s the wife of my classmate Ralph in DLSU”

“Maganda kaya lang masyadong violence hinde cya pwde sa lahat rated pg cya”

Ang big question ng netizens “Y WALA MAN LANG AWARD KAHIT ISA ANG UNINVITED?”