Advertisers
PORMAL nang nagsumite ng entry of appearance ang mga abogado ni Vice President Sara Duterte para sa kanyang impeachment trial, ayon sa kumpirmasyon ng tagapagsalita ng Senado.
Sinabi ni Atty. Reginald Tongol, tagapagsalita ng Impeachment Court, natanggap ng Senado ang dokumento mula sa Fortun Narvasa & Salazar law firm nitong Lunes, Hunyo 16, alas-5:03 ng hapon.
Dagdag pa nito na ang Office of the Secretary of the Senate ang tumanggap nito bilang clerk ng impeachment court.
Kabilang sa mga abogado ni Duterte sina:
Philip Sigfrid Fortun
Gregorio Narvasa II
Sheila Sison
Carlo Joaquin Narvasa
Roberto Batungbacal
Justin Nicol Gular
Lindon Miguel Bacquel
David Ronell Golla VII
Maria Selena Golda Fortun
Clarlaine Radoc
Francesca Marie Flores
Miguel Carlos Fernandez
Michael Wesley Poa
Reynold Munsayac
Mark Vinluan
Ralph Bodota
Wala pa sa ngayong pahayag mula kay VP Sara Duterte kaugnay sa bagong yugto ng proseso ng impeachment.