Advertisers
Dahil sa pinaigting na kampanya ng PNP laban sa mga kriminal nadakip na ang no.2 most wanted sa dalawang kaso ng panghahalay sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan.
Sa report na tinanggap ni PRO3 Director BGen.Jean S.Fajardo kinilala ang nadakip na suspek na si alyas Mic nasa hustong gulang residente ng Sitio Kambubuyugan Brgy. Kalawakan sa nabangit na bayan.
Base sa paunang imbestigasyon ng mga hukom 6:30 ng hapon nang arestuhin si alyas Mic, sa bisa ng warrant of arrest, na may cc.no. 3116-3118 -M-2025 sa kasong Statutory Rape in relation to Article.266-A(2) Sec.5 (B) ng Republic Act 7610. Nabatid na una nang inilabas ang warrant of arrest ni Branch 17 RTC Presiding Judge Hon. Theresa Genevieve N.Co. Samantala detenido ngayon ang suspek sa DRT Municipal Jail kung saan walang piyansang inrekuminda ang korte para sa kanyang kalayaan.(Thony D. Arcenal)