Advertisers
Inaresto ang 18- anyos na binatilyo nang makuhanan ng isang baril.
Sa ulat kay Northern Police District Director PBGen. Arnold E. Abad ni Police Chief PCol. Joey Goforth, 2:55 ng madaling araw nitong Sabado ng maaresto ang binatilyo sa Barangay 132, Bagong Barrio, Caloocan City at nakita na may hawak na walang lisensyang 9mm Armscor pistol na kargado ng anim na bala.
Nasa kustodiya na ng Sub-Station 5, ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 28 ng R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa Caloocan City Prosecutor’s Office.para sa inquest proceedings.(Beth Samson)