Advertisers

Advertisers

Arraignment ni dating Rep. Arnolfo Teves Jr., para sa kasong murder itinakda ng korte

0 27

Advertisers

Ipinag-utos ng Regional Trial Court Branch 12 sa Maynila ang pagharap ni dating Rep. Arnolfo Teves Jr. sa arraignment at pre-trial sa darating na June 30, 2025, dakong 8:30 ng umaga.

Batay sa kautusang inilabas ni Presiding Judge Renato Enciso, kinilala ang pag-aresto kay Teves noong May 29 ng mga tauhan ng NBI Cybercrime Division at Special Task Force kung saan ang dating mambabatas ay pansamantalang nakakulong sa BJMP Bicutan, Taguig City.

Inutusan din ng korte ang NBI na iharap ang akusado sa petsa ng pagdinig, at pinanotipikahan din ang testigong si Luciana Pialago Bato mula sa Siaton, Negros Oriental na humarap sa parehong araw.



Nahaharap si Teves, kasama ang ilan pang akusado sa kasong murder noong 2019.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">