Advertisers

Advertisers

Esteban nasungkit ang silver sa African Championships

0 9

Advertisers

NASUNGKIT ni Paris Olympics fencer Maxine Esteban ng Ivory Coast ang silver medal sa women’s individual foil sa 23rd African Fencing Championships sa Lagos, Nigeria Huwebes.

Esteban, ay pinanganak sa Pilipinas pero pinili na sumabak para sa Ivorians, ay nagawang makapasok sa finals bago natalo kay Sara Amr ng Egypt, 8-15.

“Silver in the African Championships! Thank you to my coaches, teammates and family for the support! To God be the glory!” Wika ni Esteban.

Bago ang final, tinalo ng 24-year-old Esteban ang Egyptian Malak Hamza, 15-8, semifia nal.

Ang paligsahan ay magpapatuloy hanggang Linggo.

Esteban ay nagtrabaho ng todo matapos ang maagang exit sa Paris Olympics nakaraang taon.

Doon, ang Ateneo de Manila University alumnus ay natalo kay Pauline Ranvier ng France, 15-7, sa Table of 32.

Esteban, ay kasalukuyang ranked No.32 sa huling International Fencing Federation list sa women’s foil.