Advertisers
AMINADO ang PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) na kulang ang hawak na ebidensya sa kaso ng mga nawawalang sabungero kaya pahirapang umusad ang im-bestigasyon ng kaso.
Ito ang sinabi ni PNP-IAS Inspector General, Atty. Brigido Dulay Jr., sa panayam ng mga mamamahayag nitong Martes sa Camp Crame.
Paliwanag ni Dulay, kaila-ngan kasi ng affidavit ni alyas “Totoy” na lumutang sa media at tumatayong testigo sa kaso.
Dagdag pa nito, maitutu-ring na hadlang sa kaso ng mga nawawalang sabungero ang mga kulang na ebidensya dahil mahirap maituro ang mga taong sangkot sa kaso.
Nabatid na sa testimonya ni Totoy ay aabot sa 20 pulis ang sangkot sa kaso ng nawawalang sabungeros. Katulong din umano ang mga ito sa pagkitil ng buhay ng aabot sa 100 sabungero, at ang bangkay ay itinapon sa Taal Lake sa Batangas.
Bago ang rebelasyon, na-dismiss sa serbisyo ang pitong pulis na sangkot sa kaso noong 2022.