Advertisers
PINATAWAN ng parusa ng China si dating Senador Francis Tolentino sa pamamagitan ng pagbabawal sa kanya na makapasok sa mainland nito, Hong Kong, at Macao dahil sa umano’y malupit na pag-uugali nito sa mga isyung may kinalaman sa China.
Ginawa ng tagapagsalita ng Chinese foreign ministry ang anunsyo isang araw matapos ang termino ni Tolentino bilang senador ng Pilipinas.
Binigyang-diin ng tagapagsalita na idepensa ng gobyerno ng China ang pambansang soberanya, seguridad, at interes sa pag-unlad sa kabila ng mga pahayag ng mga tinaguriang anti-China politician mula sa Pilipinas.
“For quite some time, driven by selfish interests, a handful of anti-China politicians in the Philippines have made malicious remarks and moves on issues related to China that are detrimental to China’s interests and China-Philippines relations,” ayon sa pahayag na naka-post sa website ng Chinese Ministry of Foreign Affairs.
“China decides to impose sanctions on former Philippines senator Francis Tolentino for his egregious conduct on China-related issues and prohibit him from entering the Chinese mainland, Hong Kong and Macao,” dagdag pa rito.
Bilang tugon, kinilala ni Tolentino ang mga parusang ipinataw sa kanya na tinawag niyang “badge of honor.”
“This sanction is a badge of honor and a testament to my unwavering commitment to protect our national interest and our people’s dignity,” wika ni Tolentino.
“No foreign power can silence me or weaken my resolve to uphold our sovereignty. I am, and will always be, proud to be Filipino,” diin ng dating senador.
Matatandaang naging bahagi ng campaign advocacy ni Tolentino ang maigting na pagtuligsa sa mararahas na aksyon ng China laban sa ating mga kababayan sa West Philippine Sea.
Si Tolentino ang nagsulong ng binansagang Tolentino Law o ang Maritime Zones Act at Archipelagic Sea Lanes Act bilang proteksyon sa ating teritoryo.
Sa ilang pagkakataon ay sinabi ng dating Senate majority floor leader ang mabibigat na pahayag laban sa China. (Mylene Alfonso)