Advertisers

Advertisers

Kamag-anak ng missing sabungeros sumugod sa DoJ

0 35

Advertisers

NAKIPAGPULONG sa Department of Justice (DOJ) ang mga kaanak ng nawawalang mga sabungero para sa panawagan na huwag bibitawan sa pagkakataong ito ang kaso.

Sa close-door meeting, humarap si Justice Assistant Secretary Eliseo Cruz sa higit 20 kaanak ng mga sabungero mula sa 34 biktima na mula pa sa ibat-ibang lugar.

Bago idaos ang pulong ay sinabi ni Mary Joy Lopez, ang live-in partner ng nawawalang si Jayson Amoroto, na nakakita sila ng pag-asa dahil sa paglantad ni Julie Patidongan alyas “Totoy”. Malaki, aniya, ang pasasalamat nila rito.



Kumbinsido at malakas rin ang kanilang paniniwala sa kabuuan ng pahayag ni Totoy, dating chief security ni Atong Ang sa kanyang mga farm at sabungan at isa rin sa mga suspek sa pagdukot sa naturang mga sabungero.

Pinangalanan ni Totoy si Ang bilang mastermind sa pagdukot at pagpatay sa naturang mga sabungero mula 2021 hanggang 2022.



Umaasa ang mga kaanak ng nawawalang sabungeros na makakamit nila ang hustisya at mapaparusahan ang mga salarin.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">