Advertisers

Advertisers

10 lisensya ng taxi, TNVS drivers sobrang maningil sa NAIA, sinuspinde

0 10

Advertisers

Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng 10 driver ng taxi at Transportation Network Vehicle Service (TNVS) dahil sa labis na paniningil sa mga pasahero nito sa NAIA.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na inilabas na ang show cause order (SCOs) sa lahat ng taxi at TNVS drivers na pawang nahuli sa pagsasagawa ng surprise operation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Hunyo 25.

“Ipinaalam na namin sa mga driver na ito ang pagsususpinde ng kanilang mga lisensya sa loob ng 90 araw sa pamamagitan ng mga SCO na ibinigay namin sa kanila. Sa madaling salita, wala silang trabaho sa panahong iyon, at ito ay dahil sa pananamantala sa ating mga kababayang commuter,” ani Asec Mendoza.

“Ang aming mga operasyon sa lahat ng NAIA terminals ay magpapatuloy dahil gusto namin ang pangunahing gateway ng ating bansa ay maging isang discipline zone,” dagdag pa ng opisyal.

Nauna nang iniutos ni Asec Mendoza ang regular na deployment ng LTO enforcer team sa tatlong NAIA terminals kasunod ng hindi bababa sa tatlong kaso ng viral overcharging cases—isang driver ang naniningil ng P1,300 sa isang pasahero para sa maikling biyahe mula Terminal 2 hanggang Terminal 3 habang ang isa naman ay naniningil ng mahigit P5,000 sa isang pasahero sa hiwalay na biyahe mula Terminal 1 hanggang Terminal 2.

Samantala, kasalukuyang iniimbestigahan ang isang motorcycle taxi rider dahil sa paniningil ng P2,000 sa isang pasahero mula NAIA hanggang Cainta, Rizal.

Kaugnay nito sinabi nis DOTr Secretary Vince Dizon, sa kanyang bahagi, ay paulit-ulit na nagbabala sa mga maling driver ng public utility vehicle laban sa malalang kahihinatnan ng labis na pagsingil sa mga pasahero.

“Hindi tayo papayag sa mga ganitong klaseng pang-aabuso. Kung kayang gawin ito sa mga kababayan natin, what more sa mga dayuhan na turista. Makakasama ito sa imahe ng ating bansa,” ani Asec Mendoza. (Boy Celario)