Advertisers
ARESTADO sa isnagawang hot pursuit operation ng pinagsanib na puwersa ng Palayan at San Leonardo Pulis ang isang lalaki na responsable sa pagnanakaw ng pera at alahas ng isang Senior Citizen sa syudad ng Palayan sa Nueva Ecija.
Sa report na tinanggap ni PRO3 Directoe BGen Ponce Rogelio Peñones Jr. mula kay Acting Nueva Ecija PNP Provincial Director PCol. Heryl Bruno, kinilala ang nadakip na suspek na si alyas Lex , 42 anyos residente ng Brgy, Mambangan San Leonardo, habang ang biktima naman ay nakilalang si alyas Fin 67 anyos ng Brgy, Singalat Palayan City.
Base sa paunang imbestigasyon Hulyo 3 nang nakawan ng suspek ang biktima,kung saan tinanggay nito ang isang kukay maroon na belt bag, na naglalaman ng mamahalin na relo,alahas at perang dulyar.
Nabatid na 7:30 ng umaga nitong Hulyo 6 nang masukol ang suspek sa tinutuluyan nitong bahay.
Kung saan na recovered ng mga pulis ang $1,900 in US dollars katumbas ng PHP 106,400),Philippine money na P86,073.75, dalawang wedding rings na nagkakahalaga ng P40,000 bawat isa, Rolex wristwatch na nagkakahalaga naman ng P400,000,00.
Samantala detenido ngayon ang suspek sa Palayan City Jail habang inahahanda.ang kasong Robbery.(Thony D. Arcenal)