Advertisers
Nalubog sa baha ang 38 mga lugar sa Luzon at Mindañao bunsod ng mga pag-ulan dala ng bagyong Bising at habagat.
Sa kabila nito, iniulat ni Office of the Civil Defense (OCD) officer-in-charge ASec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV na walang napaulat na nasawi o nawawalang mga indibidwal sa ngayon.
Ipinunto din ng opisyal na walang malawakang insidente ng baha ang naitala hindi tulad noong mga nakalipas na magkakasunod na bagyong tumama sa bansa noong 2024.
Kayat minor lamang aniya ang epekto ng mga pagbahang naranansan.
“Just like comparing apples from oranges”.
Hehehe!
Ang tanong…SONA na ulit ng Pangulong Marcos Jr. pero hindi pa ma- account at ma- pinpoint ng tanggapan ni Secretary Manuel Bonoan kung asan na ang ipinagmamalaking 5,500 flood control projects ni Marcos Jr.
Nananatili itong ghost projects o kung hindi man ay mga produkto ng malawak na imahinasyon lamang ng mga speech at scriptwriters ng Malacanang.
Kung sa unang sigwada pa lang ng pagpasok ng bagyo sa bansa ngayong taon ay nangyari nang lumubog ang maraming lugar sa Luzon at Mindanao,paano na kung sunud- sunod na bagyo ang pumasok sa bansa?
Lalangoy na tayo sa rubig- baha!
Aminado ang marami sa mga opisyal ng gobyernong ito partikular na sa DPWH na hindi handa ang kanilang tanggapan sa mga sinasabing inilatag.nang mga pagawain sa pagtugon sa perennial problem ng pagbaha lalo na sa critical areas ng bansa
Ayon sa mga nakapanayam nating regional directors at ilang district engineers ng DPWH NCR, malaking panganib pa rin ang hinaharap ng mga mamamayan dahil sa sadyang hindi pa properly in-place ang mga flood control.projects na ito na kundi man non- existent talaga ay kinahoy na ang pondo at naiwang nakatiwangwang ng mga private contractors.
Kaya naman pala todo iwas sa media ang marami sa mga opisyal ng DPWH,walang maisasagot sa estado ng halos lahat ng proyekto ng Kagawaran patungkol sa flood control.
Paano naman ay nadambong nang lahata ang pondo ng mga walang kabusugang buwaya sa Kongreso.
Ano nga ba ang bago sa gagong kalakarang ito?
Ano nga ba Mr.Marcos?
Ok lang naman ang lahat sa muling darating na SONA hangga’t naririyan pa ang matitikas at magagaling na speech and scriptwriters ng Malacanang na muling bibilog sa ulo ng bawat binubudol at binobolang Pilipino.
Hay BUHAY!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com