Advertisers

Advertisers

Filipino netters tagumpay sa ATF U16 Series 2 sa Malaysia

0 11

Advertisers

HABANG ang Filipino tennis sensation Alex Eala ay patuloy na gumagawa ng kasaysayan,ang kanyang kababayan ay nagawang ipagmalaki ng bansa dahil sa kanilang mga tagumpay.

Sa Melaka Asian Tennis Federation (ATF) Under-16 Series 2 Malaysia ngayong Linggo, dinomina ng Pilipinas ang doubles category sa boys and girls’ divisions.

Top seeds Lucas Go and Kenzo Brodeth tinalo ang fourth seeds Shun Him Luk at Cun Hiu Chan ng Hong Kong, 7-5, 6-2, sa boys’ doubles final.

Ang unseeded pair nina Arriana Reign Maglana at Louraine Jallorina nakamit ang girls’ doubles crown sa napakagandang 6-0, 6-0 upset sa Indian Ahana Das at Filipino Ave Policarpio, ang tournament top seeds.

Ang 13 -year old Maglana, ay nagmula sa Maragusan, Davao de Oro, habang si Jallorina ay lumaki sa Iloilo City.Nakupo nila ang U18 doubles title sa Juntaphil Cup na ginanap sa Philippine Columbian Association (PCA) Manila noong Abril.

Nasungkit rin ni Jallorina ang mixed doubles bronze medal sa 2023 Batang Pinoy National Championships sa Manila.

Naghahanda rin ang apat na players para sa two-leg J60 Phinma International Tennis Championships simula sa susunod na Linggo sa Manila Polo Club sa Makati City.