Advertisers

Advertisers

Minamalas na si Atong; Gen. Torre nagsalita tungkol kay ‘Totoy’

0 6,241

Advertisers

SABI ng batikang kolumnista na si Ramon Tulfo, mayroong pamahiin si Atong Ang bago tumudo sa sugal.

Lahat daw ng kakilala at kaibigan ni Atong kapag namatay ay kanya itong pinupuntahan, nakikiramay, at sinasabi sa harap ng ataul na lahat ng kanyang kamalasan ay isama sa hukay. Pagkatapos nito ay tutuloy na si Atong sa casino at nananalo ng limpak limpak na salapi.

Say ni Mon, kaya siguro minamalas ngayon si Atong ay baka hindi na ito pumupunta sa mga pumanaw niyang kaibigan. Hehehe…

Busy na kasi si Atong sa kanyang mga “negosyo” at dyowa. Hehehe…

***

Ibinunyag ni Chief PNP, General Nicolas Torre, na ang lumantad na testigo o nakakaalam ng lahat sa pagkawala ng mahigit 100 sabungero na si Julie “Dondon” Patidongan alias “Totoy” ay nasa kanilang kostudya simula pa nung hepe siya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP at patuloy na nakikibahagi sa imbestigasyon sa pagkawala ng naturang mga sabungero.

“CIDG pa ako nang sinimulan ito. CIDG pa ako nung nakuha namin si Totoy at nagbigay ng information sa amin. So you can imagine already kung kailan pa kami nagsimula nito. Chief ako ng CIDG nang sinimulan namin ang pag-imbestiga sa case na ito kaya nga ang nai-submit namin na papeles sa DOJ. I was very shocked at saka doon nga alam na namin noon pa and that’s why it firmed our resolve na talaga i-solve ito dahil karumal-dumal naman talaga ang nangyari, not acceptable by any standards,” diin ni Torre.

Sa mga ibininunyag ni Totoy sa media at sa kanyang mga salaysay na ibinigay sa Department of Justice (DoJ), sinabi ni Sec. “Boying” Remulla na ang mga impormasyon ng una ay tugma sa mga nakalap din nilang ebidensiya. Kaya isinasailalim na sa witness protection program para maging state witness si Totoy.

Tinukoy ni Totoy si Atong Ang bilang mastermind sa pagdukot at pagpatay sa aniya’y mga “tiyope” na sabungero.

Binanggit din ni Totoy ang pangalan ng aktres na si Gretchen Barreto at dalawang bigtime sabungerong sina Engr. Celso Salazar at Eric dela Rosa na mga partner ni Atong sa pasugal at siyento porsiyento aniyang may alam sa pagkawala sa mga sabungerong nandaya sa kanilang Pitmaster online sabong noong 2021 hanggang 2022.

Sa panayam kay Atong Ang, todo tanggi siyang utak o may kinalaman sa pagkawala ng naturang mga sabungero. Sina Totoy (Julie Patidongan alyas Dondon) aniya ang gumawa ng krimen. Ito raw ang nagpadukot sa kanyang mga tauhan.

See!!! nahuli rin si Atong sa kanyang bibig. Hehehe… may alam nga siya sa missing sabungeros.

Si Patidongan ay tauhan lang ni Atong, chief security sa kanyang mga sabungan at farm. Magkumpare sila. Inaanak nina Atong at Gretchen ang isa sa kanyang mga anak.

Sabi nga mismo ni Atong, itinuturing niyang parang anak si Patidongan alyas Totoy. Kaya hindi niya raw mawari kung bakit sinisira siya nito. Nanghihingi raw kasi ito ng P300 milyon sa kanya para hindi sila idawit sa kaso.

Sabi naman ni Totoy, hindi niya raw magawang kikilan si Atong. Kasi nga boss niya ito. Kaya lamang daw siya lumantad ay dahil pinagmumura siya at binantaan pati ang kanyang pamilya.

Sa paglantad ni Totoy, mukhang malapit nang magkaroon ng hustisya ang mga biktima, magkaroon ng katahimikan ang kanilang kaluluwa.

Samantalang si Atong sampu ng kanyang mga kasabwat ay posibleng mabulok sa bilangguan. Sayang lang ang kanilang bilyones kapag naka-rehas na sila. Ang tawag dito ay karma!

Kung bakit kinakarma, kasi ang kayamanan nila ay hindi galing sa mabuti. Maraming indibidwal at pamilya ang nasira sa kanilang online sabong.

Talagang gumagawa ang Diyos ng daan para maparusahan ang mga mapagsamantala. Mismo!