Advertisers

Advertisers

BONG INAABANGAN NA ANG PAGBABALIK-SHOWBIZ

0 27

Advertisers

Ni Benny Andaya

MALUNGKOT na dumating sa lamay ni Manay Lolit Solis ang isa sa mga alaga niyang si former Senator Bong Revilla. Hindi pa gaanong nakaka-recover si Bong sa nakaraang halalan, may isa na namang pagsubok na dumating.

Si Manay Lolit ang isa sa itinuturing nilang mag asawang si Lani na kanilang Ina o Nanay sa Showbiz simula nang mag umpisa sila sa industriya. Malapit kay Manay si former Senator kaya nung nalaman nya na nawala na si Manay ay nag post agad ito ng prayer sign na may black na background. Malaki ang naging parte ni Manay sa naging karera nina Bong at Lani kaya sobrang nalungkot sila sa pagkawala ni Manay.

Sa ngayon, hindi pa alam kung magbabalik showbiz si Bong ngayong wala na ito sa pulitika. Mas maganda rin ngayon ang katawan ni Bong na halatang naalagaan na nya nang husto.

***

MAGKAKAROON pala ulit ng series of shows ang tinaguriang PEARL OF TOKYO na si Ms Sheryl Alcantara Yusa sa ibat ibang lugar sa Japan. Madalas na nag iikot sa buong Japan si Ms Sheryl kasama ang iba pang artists from the Philippines.

Kamakailan ay isa siya sa mga naging performer sa World Expo 2025 sa Osaka, Japan at ang pangunahing bisita ay ang Presidente ng Pilipinas na si Bongbong Marcos.

Sa ngayon ay pinaghahandaan ni Sheryl ang pagbabalik nya ng Pilipinas at tatanggap siya ng parangal ngayong August. Kaya siya magbabalik ng bansa para tanggapin ang nasabing award kasama ang mga kilalang celebrities.