Advertisers
NASAWI ang isang babae at nasa kritikal na kondisyon ang isa pa nang pagtatagain ng kanilang sariling utol na nai-rita dahil sa pagsita sa pagiging lasenggero nito sa Lake Sebu, South Cotabato noong Sabado.
Sa ulat ng mga opisyal ng South Cotabato Provincial Police Office sa mga mamamahayag, idineklarang patay sa ospital ang babae habang ang kanyang kapatid ay nasa malubhang kalaga-yan sa walang habas na pananaga ng kanilang sari-ling kapatid na lalaki noong Sabado ng hapon habang nasa impluwensya ng alak, na naganap sa Barangay Lamdalag, Lake Sebu.
Ayon sa mga imbestigador ng Lake Sebu Municipal Police Station at local officials, kinatay ng kapatud na lakaki ang kanyang dalawang kapatid na babae gamit ang mahaba at matalim na itak nang mapikon at mairita ito nang kompontrahin ng mag-ate dahil sa palaging umuuwing lasing.
Isa sa mag-ate ay nagtamo ng maraming taga sa iba’t- ibang parte ng katawan at idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan.
Tahimik na sumama ang salarin na inaresto ng barangay officials at mga tanod na nagresponde sa insidente, at ngayo’y nakapiit sa Lake Sebu Municipal Police Station.