Advertisers

Advertisers

‘Proklamasyon ni Abante labag sa konstitusyon’

0 27

Advertisers

Labag sa konstitusyon ang proklamasyon ni Benny Abante bilang kinatawan ng ng ika-6 distrito ng Maynila, ayon sa kampo ng nanalong si Joey Uy.

Ipinunto ni Atty. Edward Gialogo, ang legal counsel ni Joey Uy, na wala nang kapangyarihan ang Comission on Elections na bawiin pa ang pagkapanalo ni Uy dahil siya ay naiproklama at nakapanumpa na.

Ayon kay Gialogo, ang House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) na ang dapat may hurisdiksyon sa usapin.

Iginiit ng kampo ni Uy na ang ‘Certificate of Finality’ na inilabas ng Comelec ay ilegal at labag sa Konstitusyon.

Sinabi ng abogado na mayroon silang nakabinbin sa Korte Suprema na dalawang petisyon sa pagpapatupad ng resolusyon nito at atasan ang Kamara na kilalanin si Uy bilang kongresista.

Tiwala ang kampo ni Uy na papanigan sila ng Korte Sup-rema at igagalang nito ang Konstitusyon at ang rule of law.

Bukod sa pagiging legal na usapin, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na papasok din dito ang usapin ng pagiging miyembro ng Kongreso, na tanging House of Representatives lamang ang may kapangyarihang resolbahin.

Sinusubaybayan narin ng Comelec ang mga magiging hakbang ng Kongreso at Kor-te Suprema kaugnay ng isyu.(Jocelyn Domenden)