Advertisers

Advertisers

‘Ground zero’ sa Taal Lake na pinaglubugan ng ‘missing sabungero’

0 62

Advertisers

Kinumpirma ng Department of Justice na mayroon na silang ‘ground zero’ kungsaan sisimulan ang isasagawang ‘technical diving operation’ sa bahagi ng Taal Lake.

Ayon mismo kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, tukoy na ng kagawaran ang lokasyon na ibinahagi at isinawalat mismo ng hawak nilang testigo.

Kanyang ibinunyag na ito’y sa isang ‘fishpond’ na pagmamay-ari ng isa sa mga suspek na kasama sa kanilang mga iniimbestigahan.



Aniya, kanilang isasagawa ang diving operation anumang araw ngayong linggo.
Ito’y upang mahanap ang labi ng mga nawawalang sabungero na posible pang matagpuan sa umano’y pinag-lubugang bahagi ng lake.

Dagdag pa ni Remulla, kumpyansa ang kagawaran sa impormasyong hawak nila kaya’t naniniwala siyang may katiyakan ang lokasyon kungsaan sisimula ang ‘technical diving operation’.



“Merong fishpond lease yung isang suspek na ano natin na tinutukoy natin. Bali, ‘yun ang ating ano ground zero natin from the start,” anang kalihim.

Ipinaliwanag ni Remulla ang mga hamon na kakaharapin ng technical diving team sa pagsisid ng grupo sa bahagi ng lake. Kanyang inisa-isa ang mga ito katulad ng kondisyon ng lake bed ng Taal dahil sa mga naitatalang volcanic eruptions.



At maging ang lagay ng panahon ay kanya ring ikinukunsidera at ikinababahala. Ngunit hindi aniya ito magiging dahilan para lamang ihinto at maudlot ang paghahanap sa labi ng mga nawawalang sabungero.

Matatandaan na ibinunyag ng testigong si Julie ‘Dondon’ Patidongan alyas “Totoy” na inilibing sa Taal Lake ang mga nawawalang sabungero.