Advertisers
TODAS ang isang lalaki nang mauwi sa engkwentro ang buy-bust operation sa Plaza Mexico sa Ermita, Maynila nitong Biyernes ng hatinggabi.
Kinilala ang napatay sa alyas “Kuya”.
Ayon kay Police Lt. Col. Ariel Caramoan, hepe ng Ermita PNP, nakatanggap sila ng impormasyon na may mga tulak ng droga mula sa Cainta, Rizal na nagbabagsak sa kanilang erya.
Pasado hatinggabi nang ma-kipagtransakyon ang mga pulis sa isang “Ish” at kasama niyang lalaki na wala pang pagkakakilanlan. Nakatunog umano ang dalawang suspek na pulis ang ka-transaksyon kaya pinaputukan ng mga ito ope-ratiba.
Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa mga suspek. Nakatakas naman si “Ish” sakay ng isang SUV.
Napag-alaman na ang mga suspek ang mga nakatakas sa raid ng pulisya sa Cainta, Rizal kung saan diskubre ang kitchen type clandestine laboratory at pagkasamsam ng iba’t ibang droga at paraphernalia.
(Jocelyn Domenden)