Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
ISANG matamis na role bilang Dulce ang gagampanan ni Kim Rodriguez sa nalalapit na GMA News TV fantasy romance series na “The Lost Recipe.”
“Ako ang may hawak ng mahiwagang libro kung saan nakasaad ang magic sa pagluluto nina Conchita at Consuelo. Siyempre, marami pa silang aabangan dahil paiba-iba (ang) character ko,” kuwento ni Kim.
Ang The Lost Recipe ang first regular show ni Kim na may element ng fantasy. Ibang-iba ito sa nakaarang roles ng aktres na karamihan ay kontrabida. Naging challenging daw ito sa kanya dahil mas detalyado ang mga eksena at dahil fantasy, may special effects kaya kailangang ulitin ang takes.
“First time ko magkaroon ng regular show na fantasy kasi usually ako ang nang-aaway at kabit sa past roles ko. Masaya kami sa shoot. Matrabaho lang para sa aming direktor dahil may magic and kailangan mag-green screen. So kailangan kung ano ka noong unang take dapat consistent ‘yung emotion mo kasi uulit-ulitin para sa effects.”
Ang The Lost Recipe ay pagbibidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda. Iikot ang kuwento nito sa love, time travel, at culinary world. Malapit na itong mapanuod sa GMA News TV.
***
TEENS no more ang celebrity twins na sina Mavy at Cassy Legaspi!
Masayang sorpresa ang inihanda nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel sa pagsalubong sa 20th birthday ng kambal sa kanilang tirahan.
Sa Instagram, ibinahagi ni Carmina ang ilang videos at photos ng kanilang selebrasyon, “Happy Happy Birthday to our super twins- @mavylegaspi @cassy We love you so much Best birthday gift ever! Thank you so much GOD! ”
Maganda ang pasok ng bagong taon para kina Mavy at Cassy dahil pareho silang magiging busy sa kanilang mga career!
Si Cassy ay kabilang sa upcoming romantic primetime series na “First Yaya” na makakasama niya sina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.
Samantala, si Mavy naman ay magiging parte ng youth comedy-gag-variety show na Flex na malapit na ring umere sa GMA News TV. Patuloy pa rin namang napapanood ang kambal sa All-Out Sundays tuwing Linggo.
***
MARAMI na ang nakaabang sa cultural drama series na handog ng GMA Entertainment Group ngayong 2021, ang “Legal Wives.” Bukod sa nakapananabik na kuwento, bigatin din ang cast na magbibigay-buhay sa iba’t ibang karakter kaya naman hanggang ngayon ay lubos pa rin ang pasasalamat ng Kapuso actress na si Bianca Umali na mapili bilang isa sa mga bida.
Gaganap siya bilang si Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ishmael na gagampanan naman ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.
Sa nakaraan niyang interview sa Unang Hirit, ibinahagi ni Bianca na itinuturing niyang blessing ang proyektong ito, “Hindi ko po alam kung ano ang mafi-feel. Kasi parang napakaganda po nung role, napakalaki ng proyekto, and yung makatambal si kuya Dennis na isang beteranong aktor is a blessing for me, and I’m excited to start the experience.”
Abangan ang “Legal Wives” sa GMA Telebabad!
***
DALAWANG beses nakunan.
Magkakaroon ng bagong pag-asa. Ngunit maparurusahan sa pagkakasala.
Abangan ang panibagong episode ng Magpakailanman na ‘Krimen Ng Isang Ina’ tampok sina Rochelle Pangilinan at Mike Tan.
Abangan ang pagsasama ng Sexbomb girl at StarStruck Ultimate Male Survivor ngayong Sabado sa ganap na 8:15 ng gabi.
May hashtag ito na #MPKKrimenNgIsangIna, ang Magpakailanman sa GMA ay hosted by Ms. Mel Tiangco.