Advertisers
Ni Beth Gelena
NAGULO sa loob ng It’s Showtime kamakailan nang mag-usap-usap ang mga Visayan celebrities na sina Shuvee Etrata, Maymay Entrata at Kim Chiu.
Binigyan sila ng moment ni Vhong Navarro na mag-usap ng Bisaya.
Heto na kanya-kanya na silang salitaan na ang bibilis nilang mag-isip ng sasabihin.
Halos sasabog nga raw sa loob ng studio nang magdebatehan na ang tatlo sa wikang Bisaya.
Komento nga ng netizens: “hindi ko maintindihan sinasabi ninyo. Nag-aaway ba kayo? O ano… Grabe ang iingay pala nila pag nag-uusap ng kanilang dialect.”
“Sasabog pa yang studio pag anjan pa si Melai (Cantiveros) hahahaha”
Biro naman ng isa, “antayin ko na lang sa netflix para may subtitle”
“Insert Melai riot talaga hahahaha”
“Ganyan talaga accent ng mga bisaya nd po sila nag-aaway”
May nagsuggest naman, “iregular nyo na po si Shuvee sa It’s Showtime”
“I agree, and as a Manileño, during my early years as a seaman, when I used to sail around the Philippine archipelago before traveling the world, I always found myself falling in love with the beauty of the Visayan girls, especially in Cebu and Davao… they are indeed gorgeous.”
“Shuveee Jan Ka na SA Showtime.. actually Bisaya at ilokano ang mga anjan”
“Tagalog people cannot relate hahahaha”
“Hahahahah guba ang studio uy sabaa man kaayu aning mga gwapaha”
“Paano pa pag kasama c Melai jan Sabog yung showtime sa mga bisdak”
“So alam niyo na? Kahit magkakaibang lugar, basta BISAYA, asahan mong maingay ang kapaligiran mo, walang katahimikan, akala mo lang nagaaway pero NO! natural lang sa mga bisaya ang naka High pitch”
“Hehehhe…ang pipretty ng mga bisayang ireee tlga.. ang talented pa just laugh react kc ag hahyper.. hwhehehe.. at d ko dn tlg maintndhan bsta ag kulit lng”
“Bagay c shuvee Jan cute nila”
“HAHAHAHAHA sakit tiyan ko sainyong tatlo katatawa”
Ang dami tuloy nagre-request na gumawa ng movie ang mga female Visayan beauty at isama na rin daw nila sina Melai, Beauty at Erich Gonzales.
***
SOFIA MAY MADAMDAMING MENSAHE SA PAGKAWALA NG ICONIC ABS-CBN TOWER
ISANG madamdaming mensahe ni Sofia Andres ng pamamaalam para sa iconic ng ABS-CBN Tower.
Aniya, ang nasabing iconic tower ng Kapamilya ay simbolo ng milyong tao na may pangarap at isa na siya doon.
Naalala niya nung bata pa siya, ang nagbigay ng inspirasyon sa kanya ay ang tore ng network habang inaabot niya ang kanyang pangarap na maging isang aktres.
Aniya, ang tower ang nagbibigay sa kanya ng pag-asa, ambisyon, at naniniwala si Sofia na anything is possible for many Filipinos.
She emphasized that while the tower may be gone, its legacy and the dreams it inspired will live on.
Aniya sa kanyang Instagram Srories, “Today, we say farewell to the ABS-CBN Tower, an icon that stood not just for a network, but for millions of dreams, including mine.”
“This tower was more than just steel and signal. Para sa maraming kabataan lalo na sa mga aplikanteng araw-araw pumipila sa gate. It represented hope, ambition, and the belief that anything is possible.”
Pagbabahagi pa niya, “I was once that young girl, looking up, quietly whispering to myself, ‘Someday, I’ll make it too.’ And I did. Because of this place, I was inspired to dream and to keep going.”
“Though the tower may no longer stand, the legacy remains. The dreams it sparked will live on stronger, louder, and braver. This may be the end of an era, but this is only the beginning of something greater.”
Sofia ended her tribute with gratitude, saying: “Thank you, ABS-CBN Tower. You will always be part of who I am.”
The ABS-CBN tower, long considered a landmark of Philippine media, became a powerful symbol of the network’s influence, creativity, and connection to the Filipino people. Its upcoming demolition marks the end of an era—but for many like Sofia, the dreams it ignited will continue to rise.
Wala naman talaga ang makakalimot sa ABS-CBN. Ang legacy niya ay nakatatak na sa isip ng mga Filipino at maikukuwento pa sa mga susunod na henerasyon.
***
NABIGLA si Angeline Quinto sa dami ng regalong pinadala ni Sarah Geronimo para sa anak niyang si Sylvio.
Inaanak ni SG ang eldest son nila ni Nonrev Daquina na ngayon ay three years old na.
Sa vlog ni Angge ay pinost niya ang pagbubukas nila ng regalo noong bininyagan ang kanilang anak last June 26, 2022 pa.
Viral ang nasabing vlog dahil sa unboxed gift ng Popstar Royalty na pinadala sa kanyang inaanak.
Needless to say, the Kapamilya singer expressed her gratitude to Sarah in the viral video.
Ang uploaded vlog ay nangyari last July 1, kung saan nagbubukas sila ng mga regalong natanggap ni Sylvio noong binyag niya.
Nag-eenjoy naman ang netizens lalo pa’ t nakita nilang sandamakmak na regalo ang pinadala ng singer para kay Baby Sylvio.
Sa Instagram ni Angge ay hindi maitago ang kanyang pagka-shock after makita ang bag which was full of gifts that Sarah had sent.