Advertisers

Advertisers

15 pulis sa missing sabungeros papangalanan na ni Totoy

0 42

Advertisers

PAPANGALANAN na ng whistleblower na si Julie Patidongan alyas “Totoy” ang 15 pulis na dawit sa kaso ng mga nawawalang sabungero.



Kasabay ito ng paghahain ng kaniyang sinumpaang affidavit sa National Police Commission nitong Lunes, Hulyo 14.

Tinawag ito ni Napolcom Vice Chairman Ralph Calinisan bilang isang malaking development dahil gugulong na ang proseso ng imbestigasyon sa mga sangkot, na matagal nang inaantay ng mga pamilya ng mga biktima.

Ayon kay Calinisan, kabilang sa imbestigasyon ang pormal na paghahain ng kaso laban sa mga akusadong pulis, pagkumpara sa kanilang mga tugon sa mga alegasyon ni Totoy at pagtimbang sa mga ebidensiya sa loob ng 60 araw.

Aniya, sakaling inosente ang mga idinadawit na pulis, iaabswelto sila; subali’t kung guilty, dapat silang managot.

Nauna nang isiniwalat ni Totoy na kabilang sa mga sangkot ang tinatawag na “Vito” na isang Lt. Colonel na nagsilbing team leader at tumatanggap ng P2 milyon kada buwan mula kay Atong Ang, ang umano’y utak sa pagkawala ng mga sabungero.

Tiniyak ni Calinisan na susundin nila ang ‘due process’ sa pagsisiyasat sa mga pulis na umano’y sangkot.