Advertisers

Advertisers

NO BAIL SA GUMAHASA NG STEPSISTER SA LOOB NG PITONG TAON

0 43

Advertisers

WALANG piyansang itinakda ang Manila Regional Trial Court (MRTC) para sa pansamantalang kalayaan ng isang construction worker na pitong taon umanong ginahasa ang kanyang stepsister.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong rape sa sala ni Presiding Judge Mariesther Vedana ng Branch 48 at naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District – District Police Intelligence Operation Unit (MPD-DPIOU) kamakalawa ng madaling araw sa Purok 4B, Brgy Anonas, Angeles, Pampanga.

Napag-alaman kay PMaj. Kevin Rey Bautista, OIC ng DPIOU, na noong 2018 nag-umpisang gahasain ng 40-anyos na suspek ang noon ay 13-anyos lamang na biktima.

Ang suspek, na taga-No. 1381 Bambang St., Brgy 258, Tondo, Maynila, ay tumakas umano matapos malaman na nagkalakas na ng loob ang biktima na magreklamo sa pulisya.

Ayon kay Bautista, nagtago sa Angeles, Pampanga ang suspek at nadakip alas-12:30 ng madaling araw malapit sa Nepoville Basket Ball Court sa nabanggit na lugar.

Sinabi pa ni Bautista na ang suspek ay nasa Top 7 ng Regional Top 10 Most Wanted Persons at kasalukuyang nakakulong sa MPD Custodial Facility. (JERRY S. TAN)