Advertisers
MARAMI pang plot twists na magaganap sa nalalapit na pagtatapos ng highly-successful GMA Afternoon Prime series na “Mommy Dearest” ngayong Biyernes, Hulyo 18.
Mabubunyag na ang sikreto ni Olive (Camille Prats) na pinatay niya ang kakambal na si Jade at nagpanggap bilang siya. Determinado si Ligaya (Amy Austria) na isiwalat ang katotohanan at muling pag-isahin ang pamilya nina Emma (Katrina Halili), Danilo (Dion Ignacio), at Mookie (Shayne Sava).
Pero handang ipaglaban ni Olive ang pamilyang matagal na niyang pinangarap kahit pa ang kapalit ay masaktan ang mga ito pati na rin ang sarili niya. Sa gitna ng kaguluhan, sasabog ang nararamdaman ni Olive at aaminin ang mapait niyang kabataan, dahilan para mabaliw sa pag-iingat kay Mookie.
Paano magbabayad si Olive sa kanyang mga kasalanan at maghihilom mula sa kanyang mga trauma? Karapat-dapat pa ba siya sa kapatawaran ng mga taong nasaktan niya? Kailan nga ba natututo ang isang ina na mahalin ang anak sa tamang paraan?
Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ni Camille ang isang mahaba at taos-pusong mensahe para sa lahat ng sumuporta sa “Mommy Dearest.” Aniya, “Playing Olive breathed new life into my passion for acting. I’m truly grateful to have explored this different side of my creativity.”
Ipinahayag naman ng mga tagasubaybay ang kanilang pagmamahal sa palabas at sa cast. Ayon sa ilang komento sa YouTube channel ng GMA Network, “Awww matatapos na ang inaabangan ko tuwing hapon nakakalungkot naman. Mamimiss ko kayong lahat sobra! Ang husay nilang umarte lahat at sobrang iconic ng mga eksena. Sana magka-season 2!”
Huwag palampasin ang pagtatapos ng “Mommy Dearest” ngayong Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.