Advertisers
PIRMADO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12228 na nagtatakda sa Nobyembre 7 kada taon bilang special national working holiday.
Ito’y bilang pagkilala sa mahalagang ambag ng mga Muslim Filipinos sa paghubog ng kultura at sibilisasyon ng bansa.
Nabatid na pinirmahan ni PBBM ang batas noong Hulyo 9, 2025 upang opisyal na kilalanin ang “Sheikh Karim’ul Makhdum Day” bilang pag-alala sa pagkatatag ng kauna-unahang moske sa bansa at ang pagdating ng Islam sa Pilipinas.
Ayon sa kasaysayan, ang unang moske sa Pilipinas ay itinayo sa Tawi-Tawi makaraang dumating sa bansa si Shariff Karim’ul Makhdum, isang misyonerong Arabo na may malaking papel sa pagpapalaganap ng Islam sa rehiyon.
Dagdag pa rito, layunin din ng batas na magbigay ng karampatang pagkilala sa hindi matatawarang ambag ng mga Muslim Filipinos sa pag-unlad ng kulturang Pilipino at ng kabuuang sibilisasyon ng bansa. (Gilbert Perdez)