Advertisers
MISTULANG ‘waterworld’ na ang Metro Manila nang lumubog sa baha dahil sa walang tigil na mga pag-ulan dulot ng hanging Haba-gat, na nagresulta rin ng suspensiyon ng klase at trabaho sa mga ahensiya ng gobyerno nitong Martes.
Batay sa advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), 10:27 ng umaga ng Lunes naitala ang mga pagbaha sa Magallanes, Pasong Tamo, EDSA Chino Roces NB at EDSA bago mag-Ayala SB sa Makati City; Boni Ave., EDSA Shaw Blvd. Underpass sa Mandaluyong; España Blvd.-Antipolo Taft Avenue corner Padre Faura, Taft Avenue mula Apacible hanggang Escoda, Roxas Blvd.-P. Ocampo Intersection at Service Road sa Quirino Guazon, Roxas Blvd.-UN Intersection at Service Road, JAS Tayuman sa Maynila.
Hindi rin nadaanan ang Andrews Ave.-Tramo at Roxas EDSA Heritage Service Road sa Pasay at MIA Coastal intersection sa Parañaque City; EDSA P. Tua-zon Tunnel NB/SB, EDSA Balintawak NB/SB, EDSA Dario Bridge NB Araneta Victory Ave. NB/SB at E. Rodriguez-Araneta sa Quezon City.
Sa Marikina River, itinaas na sa first alarm nang sumampa sa 15 metro 12:25 ng hapon ng Lunes, Hulyo 21.
Kung aabot sa 16 metro ang water level, aabisuhan ang residente malapit sa ilog at mababang lugar na magtungo muna sa evacuation sites at kapag 18 metro na o third alarm ay kakailanganin ang pagpapatupad ng forced evacuations.