Advertisers
Sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema, tuluyan nang pinagtibay ang legalidad ng kasunduan sa pagitan ng GlobalCity Mandaue Corporation ni dating Congressman Mikee Romero at ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaue para sa 131-ektaryang reclamation project sa Cebu.
Sa nasabing proyekto, kabilang ang muling pagsasaayos ng bahagi ng Mactan Channel malapit sa Marcelo Fernan Bridge, na sasaklaw sa mga barangay ng Paknaan at Umapad. Target nitong gawing mixed-use estate ang lugar—na may commercial centers, tirahan, industrial zones, at pasilidad para sa turismo.
Matatandaang nagsimula ang mobilisasyon noong 2016 pero nahinto dahil sa kakulangan ng mga permit mula sa gobyerno lokal. Sa tagal ng legal na laban, ngayon ay tuluyang inatasan ng Korte Suprema ang parehong panig na ipatupad ang kasunduan nang may buong pagsunod.
Pinuri naman ni Atty. Hans Santos, legal counsel ng GMC, ang desisyon at sinabi na malugod nilang tinatanggap ang pagpapatibay ng Korte Suprema sa kanilang kasunduan.
“We welcome the Supreme Court’s affirmation of our agreement. GMC is ready to resume work with the City Government of Mandaue and relevant agencies to bring this transformative pproject to life.”
Ayon pa kay Atty. Santos, handa na silang makipagtulungan sa lokal na pamahalaan at mga ahensya para maisakatuparan ang proyekto, na inaasahang magbubukas ng maraming trabaho, magpapalago ng ekonomiya, at magdadala ng modernong kaunlaran sa buong Central Visayas. (Jocelyn Domenden)