Advertisers

Advertisers

Nag-sorry sa mga nasaktan… Yen inamin, kinontrol at minanipula ng huling karelasyon

0 10

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

VIRAL ngayon ang eksena ni Jake Cuenca sa FPJ’s Batang Quiapo, na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ito ‘yung pakikipagbarilan nI Jake sa karakter ni Ronwaldo Martin, na kapatid ni Coco na ang tanging suot kasi ay ng kanyang white brief.

Bakat na bakat ang kargada ni Jake, kaya naman tuwang-tuwa ang mga beking sumusubaybay sa nasabing action-series ng ABS-CBN.

Marami rin ang nagkomento na hindi raw nagpatalbog si Jake sa eksena naman ni Maris Racal sa Incognito kung saan nagtatakbo ang aktres sa isang eksena habang naka-panty at bra lang.

O, di ba? ‘Yan si Jake na kung kinakailangan sa eksena ay gagawin niya kasehodang naka-briefz lang siya.

Pero kung may mga natuwang bading sa pa-brief ni Jake sa FPJ’s Batang Quiapo ay meron din naman ang hindi. May isang netizen ang nag-comment ng “Sagwa ni jake wala nang pwet.”

***

TINANONG si Yen Santos sa kanyang kauna-unahang YouTube vlog.tungkol sa kanyang huling naging relationship.

Napahinto si Yen na tila pinag-isipang mabuti ang kanyang isasagot sa naturang tanong.

“Napakalaking blessing na natapos na ‘yon. Malaking blessing na nagising na ako sa nightmare na ‘yon and I walked away kasi hindi talaga worth it,” sagot ni Yen.

Hindi raw worth it na pag-aksayahan ng oras at energy ang naturang relasyon dahil sa pagiging manipulative at controlling ng kanyang partner.

“It wasn’t worth wasting my time, energy sa someone na kino-control ka, mina-manipulate ka. That kind of life drains you and you lose yourself in the process. Hindi mo gugustuhin talaga ‘yong gano’ng klaseng buhay,” kuwento pa ni Yen.

Aniya pa, ang pagkamulat niya sa katotohanan ang lakas ng loob na talikuran ang naturang relasyon at pagpili sa sarili ay isa sa mga maituturing niyang mahalagang desisyon sa buhay.

“The person I met at the beginning, that wasn’t really him. The one I saw at the end, ‘yon talaga siya.

“Siyempre sa una, hindi naman ‘yan magpapakilala ng totoong pagkatao nila eh. Gagawin nila lahat para makuha ‘yong loob mo, tapos kapag nakuha na yung loob mo, unti-unti na ‘yan. Doon na lalabas ‘yong totoong pagkatao nila.”

Aminado rin si Yen na maraming nasaktan at nasagasaan nang piliin niya itong mahalin.

“Ang mahalaga tapos na, and mas maayos ang takbo ng buhay ko ngayon,” sabi pa ng aktres.

Humingi rin ng tawad ang aktres sa mga taong nasaktan sa mali niyang desisyon sa buhay.

“Para po doon sa mga taong nasaktan ko noong mga panahon na ‘yon, I am so sorry. Wala po akong excuse doon. Mali po talaga ako. Nagkamali po ako,” hinging sorry ni Yen.

Sino kaya ang tinutukoy ni Yen na manipulative at controlling na ex boyfriend?