Advertisers

Advertisers

Angel sinusulong ng netizens maging kapalit.ni Baron sa Incognito

0 15

Advertisers

Ni Beth Gelena

PINATUNAYAN ni Gov. Vilma Santos na hindi naapektuhan ang pagkain ng isdang Tawilis dahil umano sa isyu ng Taal Lake.

Ipinakita ng Batangas Governor sa publiko ang pagkain ng Tawilis, na nagmumula sa Taal Lake.

Sa Facebook reel ay kinukumbisi niya ang publiko na ang mga isdang nagmumula sa lake ay safe na kainin despite recent concerns.

Nagti-trigger daw kasi ang netizens na bumili ng mga isda na nahuhuli sa Taal Lake dahil sa alegasyong report na doon umano tinatapon ang mga pinatay o nawawalang mga sabungeros.

Esplika ni Governor Vi, ang Tawilis ay isang “non-carnivorous” and primarily consumes plants (phytoplankton).

Klinaro din niyang, it does not feed on flesh, thus posing no risk from the reported human remains.

Local fisherfolk have experienced significant financial hardship, with Tawilis prices plummeting from P250 to as low as P100 per kilo due to the reduced demand.

Amidst dwindling sales and public apprehension fueled by recent reports of alleged human remains discovered in Taal Lake, Batangas Governor has taken a public stand, personally partaking in Tawilis, the freshwater sardine endemic to the lake, to affirm its safety for consumption.

Ani ng aktres/politiko, “Tawilis, okay, nothing to worry with all these issues about our Taal. Nothing to worry.”

Dugtong pa ng Star For All Seasons, “First of all, ang mga isda po natin diyan like Tilapia and Bangus, cultured ‘yan. May mga fishpens po na nandidiyan na alaga po ang mga ‘yan.”

“At ang Tawilis po natin non-carnivorous, hindi ito kumakain ng laman-laman, halaman ang kinakain nito.”

***

ANGEL LOCSIN SINUSULONG NG NETIZENS NA KUNING SNIPER SA ROLE NI BARON GEISLER

HINDI itinanggi ng Incognito team na may second season na silang pinaghahandaan due to public demands.

Sa last part ng aksyon serye ay pinakitang naghahanap na ng good sniper si Kontraktor (Ian Veneracion) para sa role na iniwan ni Baron Geisler bilang si Doc Miguel ‘Jaguar’ a.k.a Jaguar.

Pero, ayaw ng netizens na mawala ang karakter ni Baron, pakiusap nila lagyan daw ng twist ang pinakitang pagkamatay ng aktor dahil napakahusay daw nito.

Wala pang statement ang team para sa papel ng aktor.

Ang matindi may nagre-request naman na si Angel Locsin na lang daw ang ipalit bilang Sniper ng aksyon serye.

Akmang-akma raw kay Angel ang role kung magbabalik na ang aktres dahil kering-keri niya ang mag-aksyon lalo na sa ginawa niya sa The General’s Daughter.

Ang iba naman ay sinasuggest si Kathryn Bernardo.

Pero, maraming umalmang avid viewers, ano raw ang gagawin ni Kathryn sa serye, ang alam lang daw nito ay magpabebe kumpara kay Angel na natural ang pagiging aktres.

***

ALDEN AT DANIEL DINUMOG SA BFL 2025

KASALUKUYANG nasa London ang dalawang aktor na sina Alden Richards at Daniel Padilla para sa Barrio Fiesta London 2025.

Pinagkaguluhan ang dalawang aktor.

Ang daming komento ng netizens na tila enjoy na enjoy sa dalawang gwapong aktor.

Pero kapansin-pansin na tila mas marami silang komento para kay Deejay.

Anila: “Oustanding philippine actor DJP”

“Iba talaga ang Pinoy mahilig kau mag KUMPARA Diba pwd maging proud n lang tau sa kanila kc sikat cla At andami nila fans worldwid”