Advertisers

Advertisers

ATE VI SARAP NA SARAP SA TAWILIS

0 8

Advertisers

Ni TIMMY BASIL

VIRAL ngayon si Batangas Governor Vilma Santos sa pagkain ng tawilis. Sarap na sarap siya.

Ang tawilis ay makukuha lang sa Taal lake .
Since sya nga ang head ng probinsiya baka nag aagam agam ang kanyang mga nasasakupan na wag munang kumain ng isda particularly ang tawilis na dyan lang mahuhuli sa areas na yan kasunod ng alita na sa Taal Lake itinapon ang mga nawawalang sabungero.

Sabi pa ni Ate Vi, assuming na may ganun ngang nangyari, safe pa rin daw na kainin ang tawilis dahil hindi raw kumakain ng karne ang mga tawilis. Vegetarian sila at mga lumot lang ang kanilang kinakain.

Ganun, Ate Vi?

Pero kinakain sila ng mas malaking isda. Naku tawilis, it’s high time na gumanti kaylo no? Kumain na rin kaya ng kapwa NYO isda, ano ba ang mas maliit sa inyo?
Hmmm… Kainin nyo na ang dilis, hahaha.

Teka, may isa pang personalidad na kumain din ng tawilis sa video–si Manny Villar.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Ano naman kaya ang kanyang take dito, ini educate kaya ni Manny ang mga buyers ng kanyang mga ahay na malapit sa Taal na wag matakot at safe na safe pa rin kainin ang tawilis?

Sino pa kaya ang mag video na personalidad habang kumakain ng tawilis?
***
COACH MARA ARAGON GUSTONG I VOiCE COACH SI ANALYN BATALLER

ISA sa sikat sa social media ngayon ay si ANALYN BATALLER na kilala bilang si Analeng Lang Malakas na bukod sa pagbo vlog ay mukhang papasukin na rin ang pag arte at pagkanta.

Noong Lunes ng hapon ay guest ni Benny Andaya sa kanyang program sa Eurotv na ang pamagat ay Talk To Me ang mang aawit at voice coach na si Mara ARAGON at tinanong siya kung willing ba siya na I voice coach si Analyn na topic ni Benny that time.

“Ay opo, it’s my privilege, FOR FREE pa,” sabi nito na ikinatuwa ng viewers.

Ipinarinig din ni Mara ang kanyang ginintuang tinig.

FYI, alam nyo ba na sa studio nina Mara nagpa practice noon ang MagicVoyz kung saan ang member nitonmg SI Mhack Morales ay makikipag collab kay Analyn. “Ay, excited na ako sa kanilang collab, pati ako kinikilig, sabi ni Mara.

Samantala, saJuly 26 ay isi celebrate
Ng Tanging Hiling Foundation ang kanilang first year anniversary. Ang mommy ni Mara na SI Tita Margie ang dIrector. Ang selebrasyon ay magaganap sa Farmers Plaza at present ang kanilang tinutulungang mga batang cancer paktient. Magpe perform ang mga Kalookalikea, siyempre SI Mara at kami ni Benny Andaya ang hosts.