Advertisers

Advertisers

Sorpresang regalo, tinanggap ni VM Chi Atienza sa kanyang ika-44 kaarawan

0 336

Advertisers

TUMANGGAP si Manila Vice Mayor Chi Atienza ng isang kakaiba at sorpresang ragalo sa kanyang ika-44 na kaarawan Sabado (July 26, 2025).

Ang regalo ay isang tulay na tutulong sa mga residente ng Barangay 125 saTondo, sa pagtawid sa kabilang bahagi ng creek sa halip na tumawid gamit ang isang makeshift rafts o bangka na ayon sa Vice Mayor ay panganib sa kanilang buhay.

Ang nasabung tulay na pormal na pinasinayaan sa gitna ng ulan at pibangalanan ni Vice Mayor Chi bilang: “Tulay ng pangako, tulay ng pag-asa” kasama ang kanyang magulang na sina former Manila Mayor Lito Atienza at maybahay nitong si Ma. Evelina, na personal na ipinagkaloob ang tulay sa kanyang kaarawan, ito ay matapos ang isang pagbabasbas at pagbubukas sa publiko.

Nabatid sa kapatid ng bise alkalde na kasalukuyang Director of the Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA), kung saan ang kanilang ama na dati ring namumuno Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay nag-iisip na rin na ibigay bilang regalo ang nasabing tulay kay Vice Mayor Chi bilang surpresang regalo sa kaarawan nito matapos na malaman na pangarap din ito ng bise alkalde.

Ayon kay Director Ali, taimtim na nagdarasal si Vice Mayor Chi at naghahanap ng paraan kung paano makukumpuni ang nasabing tulay para sa mga residente ng nasabing barangay na labis na naapektuhan ng sunog na naganap sa kanilang lugar noong November 2024.

“During the campaign period, Vice Mayor Chi herself experienced having to use a makeshift raft to get to visit the residents and almost fell into the creek. Since then she had dreamt of being able to provide the residents a sturdy bridge that would ease the difficulties and dangers they face daily when they have to cross over,” pagbabahagi ni Director Ali.

“Naalala ni Vice Mayor Chi na matapos niyang bisitahin ang lugar matapos ang sunog, siya ay napaiyak sa sitwasyon ng mga lolo’t lola at mga batang napilitang tumalon sa estero upang iligtas ang kanilang sarili. Sa panahong iyon, ipinangako niya na kapag siya’y nabigyan ng pagkakataong maglingkod, sisiguraduhin niyang magkakaroon ng tulay para sa kanila,” ayob sa post ng social media account ng bise alkalde.

“Hindi lang ito simpleng hiling para sa kanyang kaarawan. Isa itong paalala na ang bawat proyektong natutupad ay para sa kapakanan ng mga Manileño — lalo na ang matagal nang nangangailangan ng tulong,” dagdag pa ng post. (ANDI GARCIA)