Advertisers
Sa kabila ng mga hamon at panawagang pagkakaisa, isang lider ang patuloy na tumatayo bilang haligi ng Kongreso at sandigan ng administrasyon—si Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Buo at taus-puso ang aming suporta sa kanyang pananatili bilang Ika-65 na Speaker ng House of Representatives.
Si Speaker Romualdez ay hindi lamang naging tagapag-ugnay ng iba’t ibang tinig sa Kongreso. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naipasa ang mga makasaysayang batas na sumusuporta sa mga pangunahing layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.—mula sa pagpapalakas ng ekonomiya, reporma sa edukasyon, agrikultura, at kalusugan, hanggang sa mas epektibong serbisyo para sa mga pinakamahihirap nating kababayan.
Hindi madali ang maging Speaker sa panahong maraming usapin ang kailangan ng mabilis, matalino, at balanseng aksyon. Ngunit sa bawat desisyon at hakbang ni Speaker Romualdez, kitang-kita ang kanyang layunin: ang tiyakin na buo ang suporta ng Kongreso sa Pangulo, at walang hadlang sa pag-abot ng mga pangarap ng bawat Pilipino.
Alam naming siya ang isa sa mga unang lumalaban sa mga banta sa ating Pangulo—legal man o pulitikal. Hindi niya kailanman isinantabi ang kanyang tungkulin upang tiyakin na matatag ang suporta ng mababang kapulungan sa mga pambansang adbokasiya ng kasalukuyang administrasyon.
Higit sa lahat, si Speaker Romualdez ay simbolo ng balanseng pamumuno—may disiplina, may puso, may integridad. Hindi siya madaling matinag sa harap ng intriga, dahil ang kanyang lakas ay nagmumula sa tiwala ng kanyang mga kapwa mambabatas at sa tiwala ng sambayanan.
Sa panahong kailangan ng matatag na direksyon ang bansa, naniniwala kami na si Speaker Martin Romualdez ang karapat-dapat manatili sa liderato ng House of Representatives. Hindi lamang dahil sa kanyang kakayahan, kundi dahil sa kanyang tunay na malasakit sa bayan at matibay na suporta sa ating Pangulo”. (Cesar Barquilla)