Advertisers
Tinuturing ng marami na ang pangunahing sanhi ng agarang pagbaha sa MAYNILA makakailan ay ang hindi guma-ganang mga drainage system matapos itong tabunan ng aspalto para sa mga road project sa kung saan-saang kalsada sa nasabing lungsod.
Ang mga kaganapang ito ay nang-yari ilang araw bago pa sumapit ang mid-term election.
Mabilisan at pawang rxpedited ang proyektong ito.
Hindi man lang daw ito pinag-isipan na kung saan hahantong ang pagpapa-aspaltong ito gayong maayos pa naman na nadadaanan ito ng mga tao at anumang uri ng sasakyan.
Wala pa naman daw bitak o’ anumang sira ang mga kalyeng ito na pawang sementado at di hamak na mas matibay kaysa sa mga aspaltong pinatong dito.
Ayon sa ilan opisyal ng barangay,sinabi na nila sa mga nama-mahala sa road project ang tungkol sa drainage at mga manhole na matatabunan nila ng aspalto.
Sinabi umano ng mga engineer na walang problema at gagana pa rin ang mga drainage na siya pa ring dadaluyan ng tubig sakali man dumating ang tag-ulan at pagbaha.
Mabilis ang pag gawa na halos magdamag lang ay aspaltado na ang mga kalsada. Ultimo mga eskinita at callejon ay ayos na agad.
Ang proyektong ito ng lumipas na administrasyon ayon sa ilan eksperto ay Isang show-off at pang-uto sa mga residente na baka sakaling sila ang iboto dahil sa kanilang effort na ginagawa.
Maliban dito, sinisiguro ng marami na malaki ang kinita ng city hall gayon din ang mga ka-kontsaba nitong mga contructor.
Sinabi ng isang insider na bakas ang saya at ligaya sa mga mukha ng mga opisyal at politiko sa city hall kasama ang mga kontratista na mabilis na tinapos ang proyekto on the dot.
Mantakin niyong napakaayos pa ng mga kalsada na bigla na lamang pina-aspalto na hindi mo alam kung ano mga motibasyon. Simultaneous or sabay-sabay na plinantsa ang proyektong ito.
Siguradong milyones ang kinita at pinaghatian ng mga ito. Sila-sila lang ang nakinabang para pa rin sa sariling interes.
Habang sila ay masaya, nagluluksa naman ang buong siyudad matapos itong bahain dulot ng mga dumaang bagyo at habagat makakailan.
Marami rin daw ang nagulat sa mga kaganapan na kung saan bigla na lamang binaha ang kanilang lugar matapos ang maraming taon. Ngayon lang daw ito nangyari.
Mabigat nilang sinisisi ang ginawang pagpapa-aspalto ng kanilang kalsada ng walang konsultasyon o pag-aaral man lang kung saan ito hahantong at kung ano ang maidudulot nito.
Sa tingin daw nila ay naapektuhan at hindi na guma-gana ang kanilang drainage bunga ng ginawang proyekto ng lumipas na administrasyon.