Advertisers
Sa loob ng limang minuto, arestado ang isang senior citizen na walang habas na nagpautok ng baril sa Brgy. Tartaro sa bayan ng San Miguel, Bulacan.
Base sa inisyal na report ni PLt.Col Jowilouie Bilaro, kay Acting PNP Provincial Director PCol. Angel Garcillako, kinilala ang suspek na si Herninigildo Vergel, 74-anyos, at residente ng Brgy. Bubulong Munti San Ildefonso, Bulacan.
Sa paunang imbestigasyon, 5:00 ng hapon nitong Linggo Hulyo 27, 2025 ng mangyari ang pagpapaputok sa lugar.
Nabatid na una nang nakatanggap ng tawag sa 911 ang mga pulis mula sa mga residente kaugnay sa walang habas na pagpapaputok ng baril at pagbabanta ng suspek.
Matapos ang beripikasyon, nabatid na paso na ang lisensya ng cal.9MM na may limang live ammunition.
Dahil dito paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) Alarm and Scandal at Grave Threat ang kasong isasampa sa suspek.[Thony D. Arcenal)