Advertisers

Advertisers

Titser, kinatay ng selosong mister sa harap ng anak

0 13

Advertisers

NASAWI ang 34-anyos na babaeng guro sa elementarya nang pagsasaksakin ng kanyang mister dahil sa selos sa Rodriguez, Rizal. Ang krimen, nasaksihan ng 10-anyos nilang anak.

Sa ulat, nag-away ang mag-asawa sa kanilang bahay sa Barangay Mascap, Miyerkoles ng umaga.

“Nagkaroon sila ng pagtatalo ng umagang umaga kungsaan nakikita na ‘yung biktima tinapunan ng kape at inundayan, kumuha ng kut-silyo at inundayan ng saksak,” sabi ni Lieutenant Colonel Paul Sabulao, hepe ng Rodriguez, Rizal Police.



“May post diumano itong biktima na hindi nagustuhan at iyon ang pinag-ugatan ng kanilang pagtatalo.

Sabi pa nga isa sa mga pinatingnan dahil ginagabi na umuuwi itong biktima natin,” ayon pa kay Sabulao.



Bago nito, inireklamo narin ng biktima ang mister dahil sa pananakit sa kanilang anak.

“Nagkaroon nga ito ng settlement at medyo nagdistansya muna, parang hindi umuwi muna itong asawa nitong lalaki, itong suspek natin,” sabi ni Sabulao.



Tumakas ang 37-anyos na mister matapos ang pananaksak, ngunit nadakip nitong Linggo sa Barangay San Isidro.

“Nagtalo lang po kami pero may maraming dahilan po na malalim. Lagi niya po akong pinapalaya. Hindi ko po siya sinasaktan. First time lang po nangyari ‘yun,” sabi ng salaring mister.

Narekober sa crime scene ang kutsilyong ginamit sa krimen.

Nahaharap sa reklamong parricide ang mister na nakakulong sa Rodriguez Municipal Police.