Advertisers

Advertisers

Gen. Torre umalma nang tawagin ‘unggoy’ ni Baste

0 31

Advertisers

PUMALAG si Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre, nang tawagin siyang “unggoy” ni Davao City acting Mayor Baste Duterte.

“Huwag kang mag-alala, Torre. Matagal ko na talaga gustong makabugbog ng unggoy,” unang pahayag ni Duterte nang kumasa si Torre sa kanila sanang boxing match.

Sagot ng PNP Chief: “Dahil ba maitim ako? Pare-pareho tayong Pilipino. Marami namang kasing-itim ko na Pilipino. So, lahat kami unggoy?”



Ayon kay Torre, ang naturang panlalait ay posibleng humantong sa pagkawala ng humanity sa mga Pilipino.

“‘Yan ang medyo pinapalagan ko talaga dahil nawawala ang humanity ng ating mga kababayan. Hindi pupuwede ‘yan. Hindi porke ikaw ay nasa poder, e puwede mo nang gawin ang gusto mong pambu-bully sa mga mas maliliit sa ‘yo. Hindi pupuwede ‘yan.”



Itinuring din ni Torre na pambu-bully ang ginagawa ni Duterte at kailangan lang aniya itong palagan.

“Again, we stood up to the bully, the bully ran away. And this is not the first time that the bully ran away…



Hindi natin hahayaan ang mga bully na maghari-harian.”

Pero sinabi ni Torre na kalimutan nalang ang mga patutsada sa kanya ni Duterte. “Again, sarado na natin ‘yan. Kalimutan na natin. Wala namang totoo sa mga sinasabi niya, hanggang diyan nalang siguro siya.”