Advertisers
Ni Oggie Medina
SA LA’s Hollywood marami sa mga celebrity ay may alagang aso’t pusa. Gayundin sa amin sa Green Valley, Fairfield, California, USA. Minamahal sila at kaparte na ng pamilya.
Noong pumunta ako sa San Francisco Marathon 2025 sa Bay Area sa Northern California ang mga alagang aso ay sumali sa isang takbuhan. At tuwang-tuwa ako.
Sa bahay ng aking pamangkin, si fashion designer Ann K. Isip, sa Van Nuys, California ay nakilala ko ang mga super-bait at well-behaved na mga aso, sina Emma (isang female husky) at Rae (isang male dalmatian).
Si Emma ay napakalambing at si Rae naman ay sumusunod sa aking mga sinasabi, like kapag sinabi kong umupo sa sofa ay sumusunod.