Advertisers
Ni Archie Liao
UMALMA si Nadine Lustre kaugnay ng isang quote na diumanoý sinabi niya tungkol sa tinatawag na ‘mirror method’ na kanyang in-adopt.
Ito ay katumbas ng pagpro-promote niya ng art of dedma.
Sa kanyang Facebook account, sey naman niya na wala siyang sinabi na nag-endorse siya ng ganoong method.
Hirit niya: “parang di ko naman sinabi iyan…”
Ni-repost din niya ang quote na ina-attribute sa kanya.
Sey ng quote: “YOU SHOULD TRY THIS TOO”
“I started using the ‘Mirror Method’. ‘Di ka nila binati nung birthday mo? Don’t greet them also. ‘Di ka nila inaya sa gala, ‘wag mo din silang yayain. ‘Di ka nila chin-check? STOP checking on them too. Just give them the same energy they’re giving to you. Trust me, life feels light when you do this.”
Dugtong pa niya: “‘tong mga chismis blogs na to makapag post lang talaga ng content eh.. baka sa Q4 buntis nanaman ako ha?”
Bulalas pa niya: “di ko nga alam kung ano yung mirror method na yan.alam ko lang mirror mirror by M2M”
Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang kanyang pag-alma.
May humirit pa na nag-suggest na habulin niya ang sinumang nagpapakalat ng fake news.
Ito ang ilan sa mga komento ng netizens.
“THE PRESIDENT HAS ALREADY SPOKEN!! ”
“We know it’s not youuu”
“I KNEW IT, HINDI AESTHETIC AND CHOICE OF WORDS EH”
“Slay mowm!”
“get them, president Nadine”
“Mother is mothering”
“Nadine Lustre’s Method haha”
“THE QUEEN HAS SPOKEN!”