Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
BATA pa lang si Alden Richards ay pangarap niya nang maging isang piloto. Pero ‘yun nga lang, napunta siya sa showbiz, naging isa siyang artista.
Pero tuloy pa rin ang pangarap ni Alden na makapagpalipad ng ereplano.
Ibinida ng ama niyang si Daddy Bae Richard Faulkerson at sister na si Riza sa kani-kanilang Instagram account ang photo na kinakabitan nila ng pilot student pins sa magkabilang balikat si Alden.
Ito ‘yung madalas makita sa nakasabit sa bandang balikat sa uniform ng student pilot na mas kilala sa tawag na epaulettes o shoulder boards. Tumutukoy ito sa pilot’s rank at experience level pero para sa mga student, ito ang nagsi-signify sa pagiging pilot trainee nila.
Kinaaliwan ng mga faney ng aktor ang nasabing mga larawan niya kasama ang mga kaklase niya sa isang aviation school.
Proud na proud naman kay Alden ang mga netizen lalo na ang kanyang mga faney. Na kahit kasi busy’ng-busy siya sa kanyang showbiz career, ay nagawa pa rin niyang mag-aral ng pagka-piloto.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming comment:
“Sobrang nakaka-proud kahit casual fan lang ako. Eto na kung talaga ‘yung matagal na niyang pangarap pero mas inuna nya pa mag-provide sa pamilya n’ya. At last, natutulad na ang pangarap ni Alden”
“Despite the hardships, confusions, darkness eh talagang nananaig talaga yung blessings kapag mabait kang tao. Lalo na pag surrounded ka ng mga supportive na kaibigan at pamilya. Proof na kahit gaano katagal, matutupad din ang pangarap basta may dasal, tiyaga, at tamang timing. Congrats and goodluck Alden!”
“Goodluck Alden, for sure, kaya gusto niya maging piloto dahil bibili na yan ng ‘private plane!”
***
MAY bagong alaga si Maestro Vehnee Saturno. Siya ay si Shane, 16 years old. Ipinanganak at lumaki sa Canada, at nais makilala bilang isang mahusay na singer sa bansa.
Noong 9 years old pa lang si Shane ay nakagawa na siya ng 2 kanta.
“Siyempre at nine years old, limitado pa ang kantang pwede niyang gawin, like, hindi naman pa siya pwede mag-love song noon. Now that she’s 16, we have a song na hindi lang bagay sa kanya kundi for the Gen Z market din.” sabi ni Maestro Vehnee tungkol kay Shane.
At ang sinulat na kanta ni Maestro Vehnee para kay Shane ay ‘yung My Boy, na debut single ng sixteener para sa Vehnee Saturno Music. Isa itong dancealbe at may music video na ito.
Nang tanungin si Shane kung sino ang local artist na hinahangaan niya at gustong maka-collab, ang sagot niya ay ang P-Pop na BINI.
“We’re almost of the same age and I know we could have the same fan base, and maybe help each other grow that,”sabi niya.
Bukod sa BINI, inspirasyon rin ni Shane sa pagkanta sina Celine Dion, Mariah Carrey, Whitney Houston at Regine Velasquez.
“The first song that i perform when i was young was To Love You More by Celine Dion,”
Ang daddy ni Shane ang nagturo sa kanyang kumanta at dito niya namana ang husay sa pagkanta.
Naniniwala si Maetro Vehnee na may kalalagyan sa music industry si Shane.
“She’s very determined and works hard. I hope we could all help make her dreams come true,” sabi pa ni Maestro Vehnee.
Ang vocal coach ni Shane ay ang mahusay ding singer na si Miss. Ladine Roxas.
Ang My Boy ay available na sa lahat ng streaming app, habang ang music video at lyric video nito ay mapapanood na sa YouTube channel ng Vehnee Saturno Music.