Advertisers
Ni Beth Gelena
USAP-usapan ngayon na ang jowa ng anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Atasha ay ang anak ng bilyonaryong si Ramon Ang, na si Jacob Ang.
Napansin umano ang pagshare ni Jacob sa social media ng trailer ng first movie ng dalaga.
Marami rin ang nagsasabi na naka-follow sa isa’t isa sa Instagram sina Atasha at Jacob.
Ni-repost naman ng netizens sa kanilang TikTok at Instagram Story ang pagshare ni Jacob na kanilang ini-screenshot.
Sa caption ng uploader, nagtanong ito kung si Jacob ba ang sinasabing rumored boyfriend ni Atasha.
Kinilig naman ang fans ni Atasha dahil matatabunan na raw ang tsismis between kay Pasig Mayor Vico Sotto At Atasha.
Kung anu-ano kasi ang ikinakabit ng basher ni Atasha sa kanya lalo na sa relasyon umano ng anak ni Aga.
May nagsabi pang aprub daw sa mga magulang ni girl kung totoo ngang mag-boyfriend sila ng anak ni Ramon Ang.
Ayon pa ibang komento, hindi raw ito ang unang beses na ginawa ni Jacob ang pagsuporta kay Atasha.
May isa pa nga raw photo na nakasama si Jacob kung saan nagbabakasyon ang pamilya sa Hong Kong.
May tsikang si Aga raw mismo ang nagpost ng nasabing larawan, pero agad daw itong binura ng actor.
Well, malalaman naman ang buong katotohanan kapag nagsulputan na sa social media ang isyu at larawan mula sa dalawang personalidad.
***
BARBIE AT JAMESONBLAKE SWEET SA PARKING LOT
MAY nakakita kina Jameson Blake at Barbie Forteza na very sweet sa parking lot after ng premiere night ng P77 ng Kapuso aktres.
Pansin ng netizens, “patakbo at higpit pa ng yakap ni Barbie, sila na yan.”
“arang barkada vibes lang. yung comfy kayo in ur friendship.”
“I feel like friends lang sila.’
“Parang ambait na guy bff ni Jameson.”
“Ehhh. Pag bf gf usually walang patakbo lol”
“Promo. And mukhang mas effort si Barbie than the guy”
“Barbie ang promo girl ng syete”
“Bagay naman sila pero mukhang di type ni boy si girl.”
“Parang based sa body language, they might be sweet but it’s not the romantic kind.”
“Ganyan din naman sya kay alden at david. Friends lang yan, ma hug lang talaga si barbie, pero trabaho lang walang personalan”
“Honestly hindi sila bagay, si Barbie grabe maka-angkla for the promo. Cringe talaga si girl. ”
***
RICHARD AT BARBIE MASAYANG NAGLALAKAD KASAMA ANG BUNSONG ANAK NG AKTOR
MARAMI ang hindi naniniwala na magkahiwalay na sina Richard Gutierrez at
Barbie Imperial.
Kamakailan ay muling naispatan ang celebrity couple na magkasama, together with Chard’s youngest son na si Kai.
Kumalat ang kuhang video sa social media kung saan naglalakad ang tatlo sa isang parking lot area.
Tila magkasundo sina Barbie at Kai habang sila ay naglalakad dahil magkahawak kamay pa ang dalawa.
Muli umani na naman ang mga negatibong komento kay Barbie.
Ani ng netizens, “Kung ako nanay nyan di ako papayag na ipasama yung bata sa di naman niya nanay lalo na at yan pa nanira ng relasyon ng mag asawa.”