Advertisers
Ni Timmy Basil
YES, yumao na ang producer, beauty queen at social immedia influencer (more than 1M ang kanyang followers sa FB) na si Aida Patana. Binurol ng dalawang gabi sa St. PETER chapel sa Quezon Avenue.
Unang gabi ay dumagsa na ang maraming celibrities na kakilala ni Aida, nandoon din ang mga kasamahan niyang misis na beauty queen na sina Patricia Javoer, Mitzie Go, Jessie Maloles, Katrina Paula, Kate Brios, at napakarami pang iba , lahat sila ay nalulungkot at naiyak sa pagyao ni Aida na ang pagkakakilala nila ay mabuting kaibigan at napakasipag.
Punung abala sa kanyang wake ang kanyang kambal, ang Cebuana twins na sina Shiena at Shiela na contract stars ng Viva.
Pero ang umeksena talaga ay si Claudine Barretto na naging bestfriend ni Aida. GRABE ANG HAGULHOL NI Claudine, ramdam na ramdam mo ang kanyang kalungkutan.
Nung mahimasmasan na ay ni request ni Claudine na buksan ang kabaong. Bilin daw kasi ni Aida sa kanya na kapag siya’y namatay, dapat red na red ang lipstick na sinunod naman ng mga taga St. PETER.
SO nilagyan niya ito ng pulang pulang lipstick at may kinuha pa siya sa kanyang bag, isang pares ng pagka ganda gandang hikaw at siya mismo ang nagsuot nito.
Sa ikalawang gabi, bumalik si Claudine, medyo kalmado na , kasama niya si Atty. Sal Panelo na kaibigan din ni Aida.
Sa kanyang testimony, sinabi ni Claudine na si Maam Nats ng Erase Placenta ang nagpakilala kay Aida sa kanya. Nag jive kaagad ang kanilang ugali.
Sinabi pa ni Claudine na tumira pa ng 3 weeks ang kanyang kaibigan sa kanyang bahay.
Kilalang concert producer sa Cebu si Aida, may mga nakuha pa siyang international singers para mag perform sa Cebu. Sangkatutak din na mga artista ang kanyang nabigyan ng raket sa Cebu like Magic Voyz, Robb Guinto, IvanaAlawi at pagkarami rami pa.
As of this writing ay nasa airport na ang mga labi ni Aida at dadalhin sa Cebu upang doon ihimlay.
Sa mga nakabili naman ng ticket concert ng Elias J. TV, Magic Voyz at Cebuana Twins kung si Aida talaga ang namahala, ayon sa Execurive Producer nitong si Madam Rufina Villena Gelston ay matutuloy ito as scheduled sa August 23 sa Water World Cebu, just present your tickets
Hay Gwaps, mami miss ka namin, go go go lang (her favorite expression).