Advertisers

Advertisers

Rocket mula China bumaksak at sumabog sa Palawan

0 11

Advertisers

Binulabog ng malalakas na pagsabog ang mga residente sa Puerto Prinsesa City, Palawan nitong Lunes.

Kuwento ng mga residente, may nakita silang tila apoy na bumabagsak mula sa kalawakan habang nagkaroon ng mga malalakas na pagsabog na yumanig sa lupa.

Una nang kinumpirma ng Philippine Space Agency ang paglunsad ng China ng kanilang long-range rocket mula sa Hainan International Commercial Launch Center 6:30 ng gabi.



Kabilang sa mga tinukoy ng PhilSA na drop zone ang 21 nautical miles na layo mula sa Puerto Prinsesa at 18 nautical miles mula sa Tubbataha Reefs.

Bineberipika pa ng mga awtoridad kung may kinalaman sa paglulunsad ng rocket at pagpasok sa lugar.



Muling pinayuhan ang publiko na iwasan lumapit o kuhanin ang anumang kahina-hinalang bagay na makikita sa karagatan dahil posibleng debris ito mula sa rocket.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">