Advertisers
Bubuhayin muli ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang “ISKOlar ng Bayan Program” para sa mga kuwalipikadong estudyante ng Maynila.
Ang plano ng alkalde na ibalik ng programa na dati niyang inilunsad noong konsehala pa lamang siya hanggang maging bise alkalde ng Maynila nang bumisita sa kanyang tanggapan ang Informatics Philippines.
Nag-alok ang kumpanya ng 50% diskwento sa matrikula para sa mga kuwalipikadong estudyante ng Maynila.
Bukas ang ISKOlar ng Bayan para sa mga undergraduate at diploma programs kasama ang mga kawani ng Manila City Hall.
Ayon sa alkalde, layon ng programa na turuan ang mga Manilenyo sa paggamit ng artificial intelligence at pag-unawa sa mga makabago at digital technology bilang tugon sa new normal o panahon ng digitalization.
Kasama rin sa plano ng kumpanya ang pagtulong sa mga barangay upang mapaunlad ang kaalaman sa teknolohiya s apamamagitan ng “Barangay DigiHall” na magbibigay ng access at pagsasanay para sa lahat.
Ang Lungsod ng Maynila ang maging kauna-unahan para sa pagpapahusay ng kakayahan pagdating sa teknolohiya sa isinusulong ng Informatics na inisyatiba .
Magiging daan din ito upang maging ganap na digitally transformed mula barangay level hanggang sa buong lungsod.
Nauna rito, bumisita rin kay Mayor Isko Moreno ang San Sebastian College-Recoletos Manila upang mag-alok din ng 50 porsiyentong diskuwento sa matrikula para sa mga bagong mag-aaral at mga transferee na lehitimong naninirahan sa Maynila, sa pakikipagtulugan naman ng Augustian Recollect solidarity network (ARCORES) Filipinas.
Pinayuhan naman ang mga mag-aaral na nais mag-enroll na kumuha lamang ng endorsement letter mula sa kani-kanilang kura paroko o barangay chairman, kalakip ang mga admission requirements at hintayin ang matatanggap na email matapos ang screening process sa mga kuwalipikadong aplikante. (Jocelyn Domenden)