Advertisers

Advertisers

Grade 3 na-comatose sa bugbog high school students

0 58

Advertisers

Viral sa social media ang isang grade 3 student na pinagtulungang bugbugin ng mga high school students sa Iligan City.

Ayon sa ulat, tinatayang nasa apat na lalaki ang nambugbog sa sinasabing 9 taong gulang na batang lalaki na estudyante ng Maria Cristina Falls Elementary School.



Mapapanood sa nagkalat na video ng ilang pagkuyog sa biktima kung paano nagpalitan ng suntok at tadyak ang mga high school students sa ating katawan. Bunsod nito, kasalukuyan ng nasa Intensive Care Unit (ICU) ang biktima matapos ang tinamong bugbog sa iba’t ibang katawan, partikular na ang mga suntok sa ating ulo.

“Sa hiwalay na pahayag ng alkalde ng Iligan City na si Freddie Siao, kinondena niya ang sinapit ng biktima at iginiit na nagpaabot na raw siya ng tulong sa pamilya ng biktima at kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad.



“Ako ay labis na nalulungkot at nabalisa sa malagim na insidente na kinasasangkutan ng isang Grade 3 pupil ng Maria Cristina Falls Elementary School, na ngayon ay lumalaban para sa kanyang buhay sa ICU matapos ang brutal na pag-atake ng isang grupo ng mga high school students,” anang alkalde.

Dagdag pa ng alkalde, “No child deserves to go through such pain and violence.” 



Bunsod ng nangyari, bumuhos din sa social media ang sentimiento ng ilang netizens na hinggil sa pagbababa raw ng edad ng maaaring makulong at maparusahan sa bansa.

“Kailangan talagang makahanap na ng katapat ang mga bata ngayon!”

“Tama si Sen. Idol Robin!”

“Dapat nang ipakulong ang mga batang ganiyan!”

“Gawain nila hindi gawaing bata, gawaing kriminal na eh.”

“Hindi na high school mga ‘yan. Kriminal na. Makapatay na eh.”

Mga batang kayang mambugbog at manakit dapat walang proteksyon!”