Advertisers
BUMANGGA ang barko ng China Coast Guard (CCG) sa isang warship ng People’s Liberation Army (PLA Navy) sa karagatang sakop ng Bajo de Masinloc, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Lunes, Agosto 11.
Ayon kay PCG Spokesperson Jay Tarriela, nangyari ang insidente 10.5 nautical miles silangan ng Bajo de Masinloc habang hinahabol ng CCG vessel 3104 ang BRP Suluan.
Sa gitna ng habulan, tinangkang magmaniobra ng CCG mula sa starboard quarter ng barko ng PCG ngunit bumangga ito sa PLA Navy ship 164.
Nasa Bajo de Masinloc noon ang BRP Teresa Magbanua at BRP Suluan para sa programang ‘Kadiwa
Para sa Bagong Bayaning Mangingisda’ kungsaan in-escort nila ang 35 bangkang pangisda ng mga Pilipinong mangingisda sa lugar.
“During the operation, Philippine vessels and fishermen encountered hazardous maneuvers and blocking actions from other vessels in the vicinity. In particular, the MRRV 4406 was targeted with a water cannon, but the seamanship skills by PCG crew members allowed the vessel to successfully evade from getting hit,” ayon sa pahayag.
Dahil sa impact, nagtamo ng matinding pinsala ang una-hang bahagi (forecastle) ng CCG vessel at idineklarang hindi na ito kayang maglayag.
Agad namang nag-alok ang PCG ng tulong sa CCG, kabilang ang rescue para sa posibleng man-overboard at medikal na atensyon sa sinumang nasugatan. Nanatili silang nakatuon sa pagpapanatili ng kaligtasan sa karagatan at umaasa sa mabilis na paggaling ng mga tripulanteng sangkot sa insidente.
(Jocelyn Domenden)