Advertisers
SINALAKAY ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang establisyimento sa Manila, Pasay at Valenzuela dahil sa mga peke o counterfeit na mga produkto.
Sa bisa ng sampung search warrants sa apat na target na lokasyon sa Binondo, Manila; isa sa Baclaran, Pasay; at Valenzuela City.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakakumpiska ng 19,546 piraso ng pekeng sunglassess at prescription glasses na may ibat-ibang tatak tulad ng “Oakley’, ‘Ray-ban’ sunglasses at prescription glasses na may tatak na Luxottica at ibat-ibang business documents, resibo, sales invoice kabilang ang iba pang piraso ng ebidensya na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P800 milyon.
Sa parehong pagkakataon, isinilbi rin ng NBI-NCR ang dalawang warrants sa bodega sa Valenzuela City para sa hindi awtorisadong reproduction.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakumpiska sa 6,293 piraso ng natapos na at hindi pa natapos na counterfeit WD-40 trademarks, 270 piraso ng counterfeit canisters na kahawig ng pangkalahatang itsura ng WD-40, at ibat-ibang business documents, kabilang ang iba pang ebidenysa na tinatayang aabot sa P3 milyon.
Pinuri ni NBI Director Jaime Santiago ang NBI-NCR sa matagumpay na pagpapatupad ng search warrant at kanilang pagpapatupad ng batas para matigil ang paglaganap ng mga pekeng produkto.
Pinaalalahanan din ng NBI ang publiko na iwasan ang pagtangkilik sa mga pirated products upang maprotekta-han ang intellectual property rights owners at palakasin ang ating ekonomiya.(Jocelyn Domenden)