Advertisers

Advertisers

KINAHUHUMALINGAN

0 2,783

Advertisers

Hindi mapalad si Mang Juan sa uri ng mga halal ng bayan na agad – agad ang bawi sa bilyon – bilyong proyektong pinagawa na ang tawag ay serbisyo. Mauunang pumuti ang uwak o umitim ang tagak na magkakaroon ng lider ang bansa na uunahin ang kalagayan ng mamamayan sa termino sa pwestong matatanganan. Ganap na nasa mga manghahalal ang sala na unang hinahanap ang iaabot sa halip na pag-usapan ang serbisyong ibig na babago sa kalagayan ng buhay. Ang paghanap ng iaabot mula sa lider o mga lider na lumalapit at humihingi ng basbas sa halalan ang salang galawan ngunit ang kaayusan tanggap ng bayan. Sa halip na si Mang Juan ang lalapitan siya ang unang lumalapit ng makaamot ng kapirason biyaya na galing din sa buwis na binabayaran.

Ang paglapit sa mga lider na humihingi ng basbas sa taong bayan ang salang kalakaran na silip sa ano mang anggulo ng halalan. Sala, dahil ang humihingi ng basbas sa pwestong inaasam ang nilalapitan sa halip na ang nilalapitan ang pupuntahan. Ang masakit sa paglapit, silip na naka sahod ang kamay para sa abot na pansamantala ang pakinabang. Sa kaayusang banggit ‘di makuha ng mga lumalapit na magpakumbaba sa halip sila o ito ang nagpapahabol na saliwa sa tamang kaayusan. Salang kaayusan na ang may kailangan ang nagpapahabol at ang hinihingan ang humahabol.

Sa pagninilay sa kaganapan sa baba ng lipunan tila kulang ang ilang dekada sa pag-aayos ng pag-uugali ng Pinoy at babalik sa wisyo o kaisipan. Mahaba – habang panahon ang kailangan sa pagmumulat sa Pinoy sa tamang pagpili ng lider na tunay na kakatawan sa interes ng nakakarami. Ang maging bahagi ng edukasyon mula elementarya hanggang umabot sa ganap na kamulatan ng bawat Pinoy ang pag-isipa’t gawin ng mga nagmamalasakit higit ang mga lider na umaasa na may magagawa pa sa kasalukuyang kaayusan. Hindi nawawalan ng pag-asa higit may ilang Pinoy na nagtutulak ng kagalingan panlipunan na dapat palakasin o tularan sa halip na husgahan at pumanig sa baluktot at mapang-abusong lider ng bansa.

Sa totoo lang, matagal, mabalakid at matarik ang lakarin na mabago ang kaisipan ng mga Pinoy dahil sa uri ng namumuno sa bansa, mula pambansa pababa sa mga lokal na lider na ‘di ibig mabago ang kaayusang pinakikinabangan. Hindi papayag ang mga namumuno higit sa mga LGUs na maalis ang tinatamasang sarap ng buhay sa pakinabangan ng tao sa laylayan. Walang puwang sa mga lider ang makaahon sa buhay si Mang Juan at makakurot sa tinatamasang ginhawa ng iilan. Tulad sa ibig na pagbabago, daan taon ang pinuhunanan bago ang kaayusan sa kasalukuyan. At nakakatiyak, ‘di ibibigay na parang isang palatitong mani sa tao sa laylayan. Walang matigas na tinapay sa baboy sa kural na tumaba dahil sa dugo at pawis ng nag-aalaga, ang bayan.

Maselan ang sitwasyon sa iilan na ibig mabago ang kaayusan sa ganang masalapi at nasa pwesto ang babanggain. Babanggain dahil sa pagbabagong asam ang mga nakaupo ang tuwirang tatamaan na ‘di tatangapin ng paupo ang ibig. Sa halip, sasagkain ang pagbabagong inaasam ng iilan para sa bayan at bayan ang isasangkalan. Ang paggamit ng salaping bayan ang galawang aasahan sa mga naka-upo at gagamit ng makenarya ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusang sila ang nakikinabang. Sa ibig ng pagbabago, ang nagtataguyod ang makukulayan na lumalabag sa kaayusan na gawa ng lider na pareho ang layong dala. At umasa na ibabangga sa kapwa maliit na kababayan na nakikinabang sa ambon ng iilan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Sa totoo lang, hindi nagbabago sa tindig ang nakakaraming Pinoy na binulag ng programa ng ayuda. Ang matarik na landasin sa pagbabago’y ganap na tutulan ng mga kasalukyang lider na tumatamasa sa laki ng nakukulimbat sa kabang-bayan. Walang lider ang ibig bumaba sa pwestong tangan higit bilyon – bilyon usapin ang nakukulimbat sa kabang bayan na inilalan kuno sa mga proyektong may pakinabang ang bayan. Ang masakit buking na ang pangungulimbat ngunit sadyang kapal-mukha na pakinabang kuno ng bayan ang nilalaan ng pondo. Sa totoo pa rin, walang nasisiraan ng ulo sa mga nakaupo sa pamahalaan, dahil ang salaping umiikot at nagagamit ang nagpapahiyang sa lider na ayaw ng bumaba sa pwestong tangan.

Ang malaking pondo sa pamahalaan ang batubalani na ‘di aayawan ng mga nakaupo higit tumataas ang pagiging ganid sa pondo ng bayan. Ang pagkawalang kibo ng nakakarami mula sa kakarampot na ayudang inaabot ay tila droga na kinahihiyangan ng tao sa laylayan na kinagagalak ng mga lider ng bayan. Ang usapin na pagmumulat ang ‘daing ng iilan na mariing ‘di aayunan ng iilan na ganap ang pakinabang sa pera ng bayan. Ang luhong nakakamtan sa kasalukuyan na pinag-aagawan ng iilan hanggang magkamatayan ang nangyayari sa baba at sa itaas ng lipunan.

Sa totoo lang, nakahiyangan ng mga lider ng bansa ang magarbo at masarap na buhay na tuwirang larawan ng bawat pamilya ng halal ng bayan. Sino ang ibig mawala sa sistema ng kabuhayan ng mga halal ng bayan na dama ang kaginhawahan hanggang sa dulo ng daliri. Hindi droga o anumang nakakahumaling na sangkap ang asam ng mga opisyal ng bayan, ang masarap na buhay na kayang abutin ang ibig ano mang oras o lugar ang ganap na kinahuhumalingan. Sa totoo lang, ang salapi ang buod na kinahuhumalingan ng mga lider sa bansa at ang kinahiyanganan maging ng pamilya. At ang serbisyong bayan gaya ng ayuda na inuusal ng mga halal bayan ang piring sa mata ng bayan.

Maraming Salamat po!!!!